Agosto 18, 2006

Unang freshmen batch, negatibo sa drug test

NEGATIBO ang lahat ng resulta ng 6,034 Tomasinong sumailalim sa mandatory drug testing, mula Hulyo 21 hanggang Agosto 8.

Pawang nasa unang taon ang mga estudyanteng ito na nagmula sa Alfredo M. Velayo College of Accountancy, College of Architecture, College of Fine Arts and Design, College of Science, College of Education, Faculty of Pharmacy at Faculty of Engineering. Susunod na ang mga freshmen sa mga kolehiyo ng Nursing, Rehabilation Science, at Commerce, at sa mga fakultad ng Arts and Letters, Civil Law, at Medicine and Surgery.  read more »

UST, nanguna sa Pharmacy at Nutrition board exams exams

UMARANGKADA ang UST sa nagdaang Pharmacy licensure examination noong Hulyo 4 at 5, at sa Nutrition and Dietetics licensure exam noong Hulyo 13 at 14.

Sa Pharmacy examinations, nakuha ni Sharlene Marie Lao, na may 90.3 porsiyentong marka, ang unang puwesto.Kasalukuyang freshman sa Faculty of Medicine and Surgery si Lao.

“Nakatulong sa akin ang mas pinaagang review course na ibinigay ng UST noong nakaraang semestre,” ani Lao.  read more »

‘Siyasatin ang dayaan’

HINILING ng UST College of Nursing kay Presidente Macapagal-Arroyo na bumuo ng isang independent board of inquiry na masusing mag-iimbestiga sa mga taong maaaring sangkot sa leakage ng mga sagot sa nursing board exams noong Hunyo 11 hanggang 12.

Sa isang pahayag noong Agosto 11, sinabi ng Faculty Association of the College of Nursing (Facon) na bubuuin ang board ng mga kilala at respetadong tao sa propesyong narsing.

Nais ng Facon na magrekomenda ang mga bubuo sa board ng mga paraan upang hindi na maulit ang iskandalong nangyari.  read more »

Cubs, kulang sa bangis

TAGLAY ang matinding determinasyon at tiwala sa isa’t-isa, buo ang pag-asa ni coach Allan Ascue na kakayanin ng UST Tiger Cubs na umangat mula sa ikalimang puwesto tangan ang 2-4 win-loss kartada sa UAAP Juniors Basketball tournament.

Bagaman natalo ng Ateneo de Manila University Blue Eaglets, 85-95, noong Agosto 5 sa Ninoy Aquino Stadium, nagpamalas ng tatag ng loob ang Tiger Cubs sa huling tatlong minuto ng ikaapat na yugto para pababain ang 24-puntos na pagkakahuli nito gamit ang isang 17-6 atake.  read more »

Golden Booters, dehado sa Ang Liga

TILA walang tiyak na magandang kapalaran ang UST Golden Booters sa pagpapatuloy ng ika-apat na edisyon ng Ang Liga Football Cup.

Isang araw matapos iukit ng Golden Booters ang kanilang ikalawang panalo sa torneo laban sa koponang Mendiola, muling naudlot ang kanilang pag-angat sa team standings makaraang padapain ng UAAP Season 68 champion Ateneo de Manila University (Ateneo) Blue Guards, 3-1, noong Hulyo 29 sa UST Football Field.  read more »

UST Judokas tangka muli ang titulo sa UAAP

BAGAMAN maraming bagito at ilang datihang manlalarong UST Judokas ang hindi makakalahok ngayong taon, kumbinsido si head coach Jojo Arce na hindi ito magiging hadlang upang maiuwi nilang muli ang titulo ng UAAP Judo Tournament sa Setyembre 13-14.

Sa isang panayam ng Varsitarian, sinabi ni Arce na hindi matatawaran ang kakayahan ng mga bagito.

“Maraming baguhan sa koponan ngayong taon, pero patuloy pa silang gagaling hanggang sa dumating ang UAAP,” ani Arce.  read more »

Bagitong Shuttlecockers, nagkamit ng medalya sa JVC

UMANI ng isang silver at dalawang bronze ang mga bagitong UST Tiger Shuttlecockers sa nakaraang 2006 JVC Badminton Open (elite division) noong Hulyo 8 sa Glorietta Activity Center sa Makati.

Nakuha nina Tigers Kevin Dalisay at Emmanuel Garcia ang silver medal sa men’s doubles division matapos matalo laban kina Antonio Gati at Jobet Co ng Ateneo de Manila University, 15-21, 17-21.

“Malakas talaga ang Ateneo dahil nag-ensayo pa sila sa Korea,” sabi ni Garcia sa Varsitarian. “Gayunpaman, masaya pa rin kami dahil nakakuha kami ng medalya.”  read more »

UST Paddlers, wagi sa Andro Cup

AYAW magpaawat ng UST Tiger Paddlers sa paghakot ng mga parangal sa off-season pagkatapos nilang maging kampeon sa 1st Andro Cup National Table Tennis Championship noong Hulyo 30 na ginanap sa Sioland Badminton Court sa Candelaria, Quezon.

Naghari ang UST-B na isa sa tatlong koponang inilahok ng Tiger Paddlers nang talunin nina Tiger Paddlers head coach Henberd Ortalla at Juniors coach Celjun Ortalla ang Lopwes Table Tennis Association (LOPTTA), 3-2, para sa titulo. Itinanghal namang second runner-up ang Filipino Chinese Table Tennis Club of North District (FCTTCND).  read more »

Lady Jins, namayagpag sa Nat'l Championship

MULING sumampa ang UST Lady Jins sa lona ng tagumpay matapos trangkuhan ang una at ikalawang puwesto sa advanced category ng seniors’ division ng ika-29 Petron National Taekwondo Championship noong Agosto 5-6 sa Rizal Memorial Coliseum.

Nagsalpukan sa finals ang dalawa sa tatlong koponang ng four-time UAAP taekwondo champions kung saan nalampasan ng Black Team ang matinding hamon ng Gold Team, 3-2 upang tanghaling kampeon sa torneo.  read more »

UST Mountaineers, kampeon sa Sierra Karera

UMARANGKADA ang UST Mountaineering Club (USTMC) nang mapanalunan ng dalawang grupo nito ang kampeonato at first runner-up sa paligsahang Sierra Karera (elite category) noong Hulyo 15 sa Maria Canili, Aurora Province.

Tinapos ng Conquer-USTMC Nomads, na binubuo nina Libert Lomuntad, Elaine Lerios, at Gerric Lomuntad, ang karera sa loob ng 10 oras at 55 minuto. Samantala natapos naman ng USTMC-Herbert Bautista ang karera sa loob ng 11 oras. Pumangatlo ang professional athletes ng Sierra-Pilipinas na natapos sa loob ng 12 oras.  read more »

Back Issues

S.Y. 2010-2011 (Vol. LXXXII)

S.Y. 2009-2010 (Vol. LXXXI)

S.Y. 2008-2009 (Vol. LXXX)

S.Y. 2007-2008 (Vol. LXXIX)

S.Y. 2006-2007 (Vol. LXXVIII)

S.Y. 2005-2006 (Vol. LXXVII)

S.Y. 2004-2005 (Vol. LXXVI)

S.Y. 2003-2004 (Vol. LXXV)

S.Y. 2002-2003 (Vol. LXXIV)

S.Y. 2001-2002 (Vol. LXXIII)

Other Publications

The 'V' in PDF

» Tomo LXXXII, Blg. 4 • Agosto 31, 2010 (7MB)
» Vol. LXXXII, No. 3 • July 31, 2010 (5MB)
» Vol. LXXXII, No. 2 • July 16, 2010 (6MB)
» Vol. LXXXII, No. 1 • July 1, 2010 (5MB)

S.Y. 2009-2010 (Vol. LXXXI)

Adobe Reader is required to open the file/s linked above. Click here to download.

User login

Recent comments

Disclaimer

Readers' comments posted in this site do not necessarily reflect the editorial position of the Varsitarian. The Varsitarian does not knowingly publish false information and may not be held liable for the views of readers exercising their right to free expression.