Yellow Jackets nilinaw ang 'pagsapaw' sa Ateneo

SA GITNA ng mainit na halftime break bunsod ng sagupaang UST-Ateneo noong Agosto 4, naharap ang Yellow Jackets sa isang matindi at ‘di-inaasahang hamon: ang pigilin ang pagsisimula ng kaguluhan sa pagitan ng mga taga-suporta ng dalawang paaralan gamit ang paraang alam ng lahat.

Pinahupa ng Yellow Jackets ang namumuong galit ng mga Tomasinong manunood sa ginawang pagpapalawig ng Blue Babble Battlion ng oras ng pagtatanghal nito sa halftime break matapos pasinayaan ang isang round ng “Go Uste” cheer na umani ng negatibong reaksyon mula sa mga taga-suporta ng magkabilang kampo.

“Natakot kami na baka mauwi sa kaguluhan ang lahat ‘nung nakita naming nagiging balisa na ang mga tao,” ani Mico Letargo, tagapagsalita ng Yellow Jackets. “Doon namin naisip na mag “Go Uste” (cheer) na lang para hikayatin na lang ang mga (Tomasinong) manunood na mag-cheer imbes na daanin ang pagkadismaya sa marahas na paraan.”

Nagsimula ang lahat nang bastusin ng ilang Ateneo alumni ang katuwang na tagapangasiwa ng Institute of Physical Education and Athletics (IPEA) na si Felicitas Francisco, matapos niyang magtungo sa dako ng nasabing pamantasan upang pakiusapan ang mga opisyal nito na pahintuin na mula sa kanilang halftime show ang Blue Babble Battalion dahil lumagpas na ang mga ito sa itinakdang limang minuto.

Bagamat malinis ang hangarin ng Yellow Jackets sa pagpapatugtog ng “Go Uste” cheer, may ilang mga manunood mula sa UST at Ateneo ang hindi nasiyahan sa nangyari dahil ayon sa kanila, hindi pa raw tapos ang drumline ng Blue Babble Battalion.

“Wala na kaming magawa. Kinailangan na naming kumilos agad bago pa man lumala ang sitwasyon,” sabi ni Letargo.

Inihayag naman ni Letargo na sa kabila ng naganap na insidente, nananatiling maayos ang relasyon ng Yellow Jackets at Blue Babble Battalion. Dagdag pa niya, isang malaking di-pagkakaintindihan lamang ang nangyari at humingi na ng paumanhin ang dalawang koponan sa isa’t isa pagkatapos ng laro.

Kusa na rin daw pumunta ang ilang Ateneo alumni sa tanggapan ni Francisco, na tumatayong UAAP secretary-treasurer, upang personal na humingi ng tawad sa kanya.

“Pinagsisihan namin ‘yung nangyari dahil lumabag kami sa ethical code of organized cheering subalit tumatayo kami sa aming tungkulin na tipunin ang Thomasian community sa pagkakataong iyon, ‘di lang para pigilan ang anumang pwedeng mangyari, kundi para ipadama kay Ma’am (Felicitas) Francisco at sa Tigers ang suporta ng buong UST.”

Tomo LXXIX, Blg. 3 • Setyembre 7, 2007

Post new comment

  • Allowed HTML tags: <a> <em> <strong> <cite> <code> <ul> <ol> <li> <dl> <dt> <dd> <p> <br>

More information about formatting options

User login

Recent comments

Disclaimer

Readers' comments posted in this site do not necessarily reflect the editorial position of the Varsitarian. The Varsitarian does not knowingly publish false information and may not be held liable for the views of readers exercising their right to free expression.