SA KABILA ng masidhing pagsisikap na makalikom ng karagdagang ang panalo sa pagtatapos ng UAAP juniors basketball tournament, bigo pa rin ang UST Tiger Cubs na maiangat ang kanilang sarili mula sa nakapanlulumong 1-9 win-loss kartada.
“Kulang ang bata sa puso at killer instinct lalo na kapag dikitan ang laban,” ani coach Allan Ascue sa Varsitarian. “Wala kaming problema kung strategy at gameplan ang pinaguusapan. Sa endgame lang talaga nagkakatalo.“
Noong nakaraang Agosto 22, muli nanamang natikman ng Tiger Cubs ang hapdi ng pagkatalo, 58-68 sa kamay ng Far Eastern University (FEU) Baby Tamaraws sa FEU gym.
Bagamat nagawang dumikit ng Tiger Cubs sa unang yugto,14-18, hindi ito naging sapat para pigilan ang pag-arangkada ni Baby Tamaraw Jolas Guerrero na tumirada ng siyam na sunod-sunod na puntos upang pasinayaan ang unti-unting paglayo ng FEU sa ikalawang yugto , 21-29.
Pilit na humabol ang Tiger Cubs sa huling minuto matapos lumapit ng pitong puntos, 45-52, ngunit ang kawalan ng kumpiyansa sa dulo ng laro na pinatala pa ng malagkit na depensa ng FEU ang muling naghatak sa UST sa balon ng kabiguan.
Nagtala ng game-high 21 puntos at anim na rebounds si Mark Buendia para sa Tiger Cubs. Kumabig naman si Shane Ko ng 16 puntos para sa FEU.
Liwanag sa Dilim
Natikman ng Tiger Cubs ang kanilang unang panalo kontra sa National University (NU) Bullpups, 59-53, noong nakaraang Agosto 14 sa FEU gym.
Mula sa 36-41 pagkakahulisa ikatlong quarter, naglunsod ng 8-0 atake ang mga batang Tigre sa pangunguna ni Buendia upang sagpangin ang kalamangan,54-52 may 4:25 ang nalalabi sa huling yugto.
Tumipa ng 21 puntos si Jerson Chang upang pamunuan ang Tiger Cubs habang nag-ambag naman ng 15 puntos si Buendia.
Samantala, nagtala sina Kevin Batac at Clarence Berry ng 21 at 15 para sa NU, alinsunod sa pagkasunod-sunod.
Sumadsad naman sa kanilang ika-walong pagakatalo ang Tiger Cubs matapos yumuko sa University of the East (UE) Pages,65-67, noong Agosto 11 bunga ng kontrabersyal na hindi pagbilang ng referee sa last-second three-point shot ni Buendia.
“Nag-file kami ng formal protest sa UAAP board. Naitira ni Mark yung bola bago tumunog ang buzzer,” sabi ni Ascue. “Panalo dapat kami sa laban na ‘yon.”
Noong unang laban ng Tiger Cubs sa UE noong first round, natalo ang mga ito, 51-58, noong nakaraang Augosto 7
Noong Agosto 7, nalasap ng UST ang 51-58 kabiguan sa UE sa kanilang unang pagtutuos.
Sa kabilang banda, kinapos ng hininga ang Tiger Cubs sa kanilang unang pakikipagsagupaan sa Baby Tamaraws, 55-61, noong nakaraang Agosto 2. Unang beses na lumaban sila sa Baby Tamaraws,55-61, noong nakaraang Augosto 2.
Readers' comments posted in this site do not necessarily reflect the editorial position of the Varsitarian. The Varsitarian does not knowingly publish false information and may not be held liable for the views of readers exercising their right to free expression.
Post new comment