Correction, hindi falsification sa kaso ni Duncil

HINDI maituturing na panlilinlang ang pagkakaroon ni Season 69 Finals MVP Jojo Duncil ng dalawang birth certificate na may magkaibang taon ng kapanganakan kung ang usaping legal ang pagbabatayan, ayon sa isang huwes at propesor ng Fakultad ng Derecho Civil.

Sinuportahan ng huwes na si Philip Aguinaldo ang pahayag kamakailan ng Rektor P. Ernesto Arceo, O.P., na hindi maaaring ituring na palsipikasyon ang magkasalungat na taon ng kapanganakan sa dalawang birth certificate ni Duncil na isinumite niya sa UAAP board noong 2003, kundi pagwawasto lamang ng detalye.

“Ang palspikasyon ay maituturing na krimen dahil may malisya o intensyon ang gumawa nito upang manlinlang, samantala ang pagwawasto ay pag-aayos lamang ng detalye na napatunayan na bilang totoo sa mata ng batas,” wika ni Aguinaldo sa Varsitarian. “Ang nangyari kay Duncil ay bunga ng maling paghuhusga na sa kasalukuya’y nag-iimbita ng matinding kritisismo.”

Noong Hulyo 14, nagsumite ng apela si Arceo sa lupon ng UAAP na humihiling na muling mapabilang ang batikang gwardiya ng Tigers sa line-up subalit ibinasura lamang ito ng mga miyembro matapos magkaisa sa 6-1 botohan laban sa pagbabalik ni Duncil sa koponan ng UST.

Maalala na ang paglitaw ng dalawang birth certificate na naglalaman ng di-magkatulad na taon ng kapanganakan ni Duncil ay nagdulot ng kontrobersiya na nauwi sa dagliang paglisan ng Pampangeñong manlalaro sa Tigers dalawang lingo bago magsimula ang UAAP Season 70.

Ngunit, para kay Aguinaldo, wala nang saysay pa na dalhin sa korte ang kaso ni Duncil sapagkat ito ay natabunan na ng mga pangyayari.

Sa panig naman ng pangulo ng UAAP at tagapangasiwa ng Institute of Physical Education and Athletics (IPEA) na si P. Ermito de Sagon, O.P, ang usapin ay isa nang saradong isyu.

“As far as IPEA is concerned, kung mapatunayan man o hindi na nagkasala si Duncil, wala na tayong magagawa dahil hindi na siya saklaw ng UST at siya ay umangat na sa professional league,” ani De Sagon.

Kamakailan lamang, pinili ng Red Bull Barako si Duncil bilang ika-labinlimang overall pick sa 2007 PBA Rookie Draft noong Agosto 19.

Tomo LXXIX, Blg. 3 • Setyembre 7, 2007

Post new comment

  • Allowed HTML tags: <a> <em> <strong> <cite> <code> <ul> <ol> <li> <dl> <dt> <dd> <p> <br>

More information about formatting options

Other Publications

User login

Recent comments

Disclaimer

Readers' comments posted in this site do not necessarily reflect the editorial position of the Varsitarian. The Varsitarian does not knowingly publish false information and may not be held liable for the views of readers exercising their right to free expression.