Tigers tiklop sa FEU

Simula ng kalbaryo. Unti-unti ng nagkakatotoo ang tila pabirong prediksyon ni coach Pido Jarencio na lalapag ang UST sa ikawalong puwesto ngayong taon matapos ang kanilang limang sunud-sunod na pagkabigo sa UAAP mula ng matalo sila sa Green Archers noong Agosto 1. Photo by Isabela A. MartinezUNTI-UNTI nang humahalik sa lupa ang UST Growling Tigers matapos mapako sa ikaanim puwesto tangan ang 3-7 na kartada at maging huling biktima ng nangungunang koponan ng Far Eastern University (FEU) Tamaraws, 67-76, noong ika-21 ng Agosto sa PhilSports Arena, Lungsod Pasig.

Lumalabo na ang tsansa ng Tigers na makasilat ng puwesto sa Final Four ng UAAP matapos ang limang sunud-sunod na pagkatalo na naging daan upang tuluyan silang masadsad sa ilalim ng team standings, katabla ang University of the East Red Warriors.

Nananatiling nangunguna ang FEU na nagkamit ng ikasiyam nitong panalo sa sampung laro.

Pinatunayan ng Tigers na kaya nilang makipagsabayan sa mga Tamaraws sa unang tatlong kanto ng laro, ngunit tila naubusan sila ng langis sa fourth quarter nang matikman nila ang bangis ng backcourt tandem ng guwardiyang si RR Garcia at ng bagitong si Terrence Romeo. Nagpasiklab din ng three-pointer si Romeo nang may 4:17 na lamang na nalalabi sa laro, at nagpalobo sa kalamangan ng FEU sa sampung puntos, 57-67.

Sinundan pa ito ng second chance point ni Aldrech Ramos at pull-up ni Garcia, 57-71, upang pasinayaan ang 12-1 run ng FEU.

Si Ramos ang nagdala ng opensa ng Tamaraws sa pagkawala ni Reil Cervantes na nasuspinde ng isang laro dahil sa ikalawang unsportsmanlike foul niya sa Season 73, na nakuha niya laban kay Paul Lee ng UE matapos nilang manalo sa overtime noong ika-15 ng Agosto. Umani siya ng game-high na 21 puntos, 15 rebounds at anim na assists.

Nanatiling bukas ang pintuan para sa Tigers nang magpakawala ng back-to-back treys sina Jeric Fortuna at Clark Bautista bago ang dalawang magkasunod na lay-up ni Jeric Teng, upang makalapit nang bahagya ang UST, 67-72. Ngunit nagkamit ang UST ng isang peligrosong turnover na tumapos ng kanilang pag-asang makahabol lalo na’t naibuslo nina Romeo, Garcia at Ramos ang kanilang charity baskets sa loob ng 30 segundo.

Naging matumal ang three-point shooting ng UST sa buong first half ngunit nakuha naman nilang muli ang kanilang ritmo sa ikatlong kanto matapos magbitiw ng back-to back triples si Teng, na sinundan pa ng tres ni Bautista upang matabas ng Tigers ang lamang sa tatlo, 37-40. Nagsilbing pamatay-sunog naman ang buzzer-beater ni JR Cawaling, 37-42, na sinundan ng pananalasa nina Mark Bringas at Romeo bago maka-tres si Aljon Mariano para tapusin ang third quarter, 49-52.

Bumida para sa UST si Fortuna na nagkamit ng 12 puntos, 7 assists at tatlong rebounds, samantalang kapuwa nakakuha naman ng 11 puntos ang sophomore na si Aljon Mariano at big man na si Chris Camus. Anne Marie Carmela L. Dayauon

ngayon di lang humahalik sa

ngayon di lang humahalik sa lupa ang ust kungdi mumakain pa kayo ng lupa sa uaap. dapat ang headline nyo ngayon " ust kumakain ng lupa at alikabok sa uaap basketball".

"Unti-unting" "Humahalik sa

"Unti-unting" "Humahalik sa lupa". Galing galing naman.

Post new comment

  • Allowed HTML tags: <a> <em> <strong> <cite> <code> <ul> <ol> <li> <dl> <dt> <dd> <p> <br>

More information about formatting options

User login

Recent comments

Disclaimer

Readers' comments posted in this site do not necessarily reflect the editorial position of the Varsitarian. The Varsitarian does not knowingly publish false information and may not be held liable for the views of readers exercising their right to free expression.