Cubs nilapa ang Baby Tams

UMARANGKADA sa dalawang magkasunod na pagkapanalo ang UST Tiger Cubs matapos pakainin ng alikabok ang Far Eastern University (FEU) Baby Tamaraws, 71-55, sa ikalawang pagtatagpo nila noong ika-21 ng Agosto sa San Juan Arena, upang makakapit sa ikatlong puwesto tangan ang 7-4 na kartada. 

“Malaki ang natutunan namin sa mga pagkakamali namin sa mga naunang pagkatalo, pero doon rin kami nakakuha ng lakas,” ani coach Allan Ascue, matapos nilang makabawi mula sa dalawang magkasunod na pagkatalo sa umpisa ng ikalawang round ng juniors’ basketball division.

Hindi nagpatinag si Jaypee Sarcia, na nagpakawala ng buzzer beater na tres upang makuha ng UST ang kalamangan sa ikalawang kanto, 25-17.

Subalit hindi basta-basta sumuko ang Baby Tamaraws. Nagpasiklab si Baby Tamaraw Mark Gelig ng 6-0 run, nang may 8:37 na lamang na nalalabi sa third quarter. Pansamantala ring nakalamang ang FEU nang makapuntos si Immanuel Custodio, 27-29.

Ngunit sa isang kurap lang ay binawi agad ito ni Sarcia nang magpakawala siya ng tres, 30-29, at tila nahawa ang opensa ng buong koponan sa kaniyang pamamayagpag.

Walang takot na nagpasiklab sina Tiger Cubs EJ Corre at Kevin Ferrer na kapuwa nagpasabog ng 10 puntos sa huling kanto, at tuluyang dinala ang panalo sa UST.

Gumawa ng 16 puntos si Corre samantalang si Ferrer ay muling nagtala ng double-double figures na 15 puntos at 13 rebounds.

Nanguna naman sina Baby Tamaraws AA Fabian at Custodio na kapuwa nagtala ng 18 puntos. Angelo Nonato P. Cabrera

Post new comment

  • Allowed HTML tags: <a> <em> <strong> <cite> <code> <ul> <ol> <li> <dl> <dt> <dd> <p> <br>

More information about formatting options

User login

Recent comments

Disclaimer

Readers' comments posted in this site do not necessarily reflect the editorial position of the Varsitarian. The Varsitarian does not knowingly publish false information and may not be held liable for the views of readers exercising their right to free expression.