Cruz, Allera sasabak sa PBA

HINDI magtatagal at muling masisilayan ng mga Tomasino ang gilas ng mga dating UST Growling Tigers na sina Jervy Cruz at Franciz Allera.

Magbabalik-aksyon sa hardcourt ang “Season 70 Most Valuable Player” na si Cruz at ang three-point sniper na si Allera sa nalalapit na pagbubukas ng Philippine Basketball Association (PBA), batay sa kalilipas lamang na 2009 PBA Rookie Draft noong ikalawa ng Agosto sa Market! Market! Mall sa Taguig.

Napili si Cruz ng Rain or Shine Elasto Painters bilang ika-limang draft pick samantalang maglalaro naman si Allera para sa Coca-Cola Tigers, matapos siyang mapili sa ikalabingapat na puwesto ng draft.

“Masayang-masaya ako kasi magiging bahagi na ako ng PBA. Simula na ‘to ng pag-abot ko sa aking pangarap,” sabi ni Cruz. “[Gusto kong] makita ng mga Tomasino na marami pa rin ang napo-produce na atleta ng UST na kayang makapunta sa propesyonal,” dagdag naman ni Allera. Charizze L. Abulencia

Post new comment

  • Allowed HTML tags: <a> <em> <strong> <cite> <code> <ul> <ol> <li> <dl> <dt> <dd> <p> <br>

More information about formatting options

User login

Recent comments

Disclaimer

Readers' comments posted in this site do not necessarily reflect the editorial position of the Varsitarian. The Varsitarian does not knowingly publish false information and may not be held liable for the views of readers exercising their right to free expression.