UNTI-UNTI nang humahalik sa lupa ang UST Growling Tigers matapos mapako sa ikaanim puwesto tangan ang 3-7 na kartada at maging huling biktima ng nangungunang koponan ng Far Eastern University (FEU) Tamaraws, 67-76, noong ika-21 ng Agosto sa PhilSports Arena, Lungsod Pasig.
Lumalabo na ang tsansa ng Tigers na makasilat ng puwesto sa Final Four ng UAAP matapos ang limang sunud-sunod na pagkatalo na naging daan upang tuluyan silang masadsad sa ilalim ng team standings, katabla ang University of the East Red Warriors.
Nananatiling nangunguna ang FEU na nagkamit ng ikasiyam nitong panalo sa sampung laro.
Pinatunayan ng Tigers na kaya nilang makipagsabayan sa mga Tamaraws sa unang tatlong kanto ng laro, ngunit tila naubusan sila ng langis sa fourth quarter nang matikman nila ang bangis ng backcourt tandem ng guwardiyang si RR Garcia at ng bagitong si Terrence Romeo. Nagpasiklab din ng three-pointer si Romeo nang may 4:17 na lamang na nalalabi sa laro, at nagpalobo sa kalamangan ng FEU sa sampung puntos, 57-67.
Sinundan pa ito ng second chance point ni Aldrech Ramos at pull-up ni Garcia, 57-71, upang pasinayaan ang 12-1 run ng FEU.
Si Ramos ang nagdala ng opensa ng Tamaraws sa pagkawala ni Reil Cervantes na nasuspinde ng isang laro dahil sa ikalawang unsportsmanlike foul niya sa Season 73, na nakuha niya laban kay Paul Lee ng UE matapos nilang manalo sa overtime noong ika-15 ng Agosto. Umani siya ng game-high na 21 puntos, 15 rebounds at anim na assists. read more »
MATAGUMPAY na nasungkit ng UST Tiger Jins-Black and kampeonato matapos pataubin ang De La Salle University Delta-A, 3-2, sa ika-33 na National Taekwondo Championship Men’s Senior Advance noong ika-1 ng Agosto sa Ninoy Aquino Stadium.
Sa huling yugto ng kompetisyon, agad na nagpakitang-gilas si Tiger Jin Nicole Mapilisan nang pabagsakin niya si RJay Del Rosario ng De La Salle gamit ang mabilis na roundhouse kick, tangan ang 7-2 na iskor.
Madali namang nakabawi ang Delta-A nang paulanan ng sipa ni John Paul Lizardo ang kapuwa RP National team member na si Paul Romero, 17-4, upang maitabla ang laban sa unang pagkakataon, 1-1. read more »
HINDI pinalampas ng UST Growling Tigers at Tigresses Team-B ang isang bihirang pagkakataon upang makadaupang-palad ang Miami Heat Fil-Am head coach na si Erik Spoelstra sa NBA FIT Development Camp, at matutunan ang isang mahalagang aral na mapakikinabangan nila sa hardcourt at sa tunay na buhay.
“Respect the game, and the game will respect you,” ani Spoelstra habang ipinakikita niya ang tamang execution ng mga drills sa mga manlalaro. “It’s (basketball) fun and the dynamics of teamwork is very special that it teaches you lessons that you can apply in real life like discipline, hard work, and communication.” read more »
UMARANGKADA sa dalawang magkasunod na pagkapanalo ang UST Tiger Cubs matapos pakainin ng alikabok ang Far Eastern University (FEU) Baby Tamaraws, 71-55, sa ikalawang pagtatagpo nila noong ika-21 ng Agosto sa San Juan Arena, upang makakapit sa ikatlong puwesto tangan ang 7-4 na kartada.
“Malaki ang natutunan namin sa mga pagkakamali namin sa mga naunang pagkatalo, pero doon rin kami nakakuha ng lakas,” ani coach Allan Ascue, matapos nilang makabawi mula sa dalawang magkasunod na pagkatalo sa umpisa ng ikalawang round ng juniors’ basketball division.
Hindi nagpatinag si Jaypee Sarcia, na nagpakawala ng buzzer beater na tres upang makuha ng UST ang kalamangan sa ikalawang kanto, 25-17. read more »
NATULDUKAN ang tatlong sunod-sunod na pamamayagpag ng UST Tigresses nang mapataob sila ng De La Salle University Lady Archers, 61-66, noong ikawalo ng Agosto sa Filoil Flying V Arena, San Juan. Dahil sa pagkatalong ito, napako sa ikaapat na puwesto ang UST tangan ang 5-4 na kartada.
Nakitaan na ng panghihina ang Tigresses sa umpisa pa lamang ng unang kanto, dulot ng nagliliyab na 7-0 run ng De La Salle, kung saan naiwang walang puntos ang UST sa unang 5:02 minuto ng laro.
Matapos ang paghahabol nila sa buong first half, unang natikman ng Tigresses ang paglamang sa puntos sa ikatlong kanto ng laro, 34-33, sa tulong ni Lora Dela Cruz. Ngunit hindi nagtagal ay binawi rin ito ni Kady Wilson sa unang yugto ng fourth quarter, 41-42. read more »
OPISYAL nang binuksan ang Thomasian Goodwill Games noong Agosto 20 na idinaos sa UST Gym.
Ang Thomasian Goodwill Games ay programa ng Institute of Physical Education and Athletics (IPEA) upang maipamalas ang diwa ng pagkakaibigan at pagkakaisa ng mga mag-aaral sa iba’t-ibang kolehiyo sa Unibersidad. Layon din nito na makakilala ng mga bagong manlalaro para sa UST.
“Sa taong ito ang volleyball, basketball at football lamang ang kasali sa torneyo,” ani Roberto Sambuang, athletics moderator ng IPEA.
Ang laban para sa volleyball ay mag sisimula sa Setyembre 6 hanggang 15 at inaasahang magsisimula ang basketball at football sa susunod na semestre. read more »
SA TINDI ng depensa ng UST Lady Booters, wala ni isa man sa kanilang mga nakalabang koponan sa Rexona Cup ang hinayaan nilang makapuntos.
Nasungkit ng Lady Booters ang kampeonato laban sa Far Eastern University (FEU), 1-0, noong ika-22 ng Agosto sa Ateneo de Manila University soccer field, tangan ang kanilang walang bahid na kartada sa torneo.
“Patunay [ito] na bawat isa sa kanila ay talagang gustong maglaro ng maayos,” ani UST head coach Rozano Estrabon. “Kaya bawat laban, ipinananalo namin.”
Nasunggaban ng Lady Booters ang FEU nang makapuntos si Marice Magdolot sa loob ng goal area sa unang tatlong minuto sa first half. read more »
MATAPOS ang ilang hindi kaaya-ayang karanasan sa dati nilang dormitoryo, tila wala nang dapat ikabahala ang mga manlalaro ng UST sa kanilang bagong tahanan dahil kapuwa rin nila Tomasino ang may-ari at nangangasiwa rito.
Inilipat na sa Residencia Josefina, ang dormitoryong pagmamay-ari ng UST alumna na si Josefina Sioson at ng asawa niyang si Antonio, ang 237 na atleta ng Unibersidad noong ika-31 ng Hulyo matapos ang dalawang taon nilang paninirahan sa Active Dormitory.
Mula sa College of Commerce Batch ’66 si Josefina, samantalang Tomasino rin ang nagdisenyo ng gusali na si Jay Sibug na mula naman sa College of Architecture.
Kabubukas lamang ng Residencia Josefina noong nakaraang Mayo at isa ang mga atleta ng UST sa mga unang nanirahan dito. read more »
WALANG sugat ang hindi naghihilom.
Bigo mang maiuwi ng UST Salinggawi Dance Troupe ang tropeo sa UAAP Cheerdance Competition noong nakaraang taon, hindi naman ito naging hadlang sa grupo upang magsimula muli at magpursigi para maibalik ang koronang sadyang silang ang may-ari.
“Narito pa rin ang kagustuhan naming manalo,” ani Mara Gersmundo, pangulo ng Salinggawi. “Marami ang nagsasabi sa amin na gusto na talaga nilang maibalik dito [sa UST] ang titulo.” read more »
Readers' comments posted in this site do not necessarily reflect the editorial position of the Varsitarian. The Varsitarian does not knowingly publish false information and may not be held liable for the views of readers exercising their right to free expression.
Recent comments
1 day 47 min ago
1 day 17 hours ago
2 days 48 min ago
2 days 53 min ago
2 days 56 min ago
2 days 15 hours ago
2 days 16 hours ago
3 days 7 hours ago
4 days 19 hours ago
5 days 15 hours ago