SAAN nga ba nagmula ang bantog na rebulto ni Miguel de Benavides?
Nag-uugat ang kasaysayan ng monumentong ito ni Benavides noong ika-17 na siglo, kung kailan binalak ng mga Dominikano na gawing sementeryo ng orden at hardin ang bakanteng lote na noo’y hindi pa parte ng Unibersidad.
“Dahil sa balak na ito ng mga Dominikano, binili nila itong maliit na lupang ito noong 1627 hanggang sa binili rin nila ang isa pang lupa noong 1708 sa gilid ng gusali ng Colegio de Santa Rosa,” ani Jose Victor Torres, isang Tomasinong historyador at manunulat. read more »
PASKO na naman at nasasabik na ang mga Tomasino sa pagdiriwang ng Paskuhan.
Ang Paskuhan ang taunang pagdiriwang ng Unibersidad para sa nalalapit na araw ng Pasko. Dito nagtitipon ang mga Tomasino—mga pari, propesor, manggagawa, at mga mag-aaral—upang sama-samang makinig ng misa, kumain ng libreng handaang inihahain ng Unibersidad, at masaksihan ang magarbong konsiyerto at fireworks display. Ganito kalaki ang pagdiriwang ng Paskuhan kaya naman ang paghahanda para sa pagdiriwang na ito ay mabusisi.
Ang unang Paskuhan sa Unibersidad ay ginanap noong Disyembre 19, 1991 sa temang “Paskong Tomasino, Paskong Filipino ’91.” read more »
BAGO pa man naging tanyag ang paligsahang pampalakasan na UAAP, naririyan ang Liga Catolica na itinatag ng Unibersidad kasama ang apat pang mga paaralan.
Noong Oktubre 1920, nagtipon ang UST, Ateneo de Manila University, Colegio de San Juan de Letran, at San Vicente de Paul (Adamson University ngayon) upang bumuo ng isang kapisanang pampalakasan na tinawag na “Liga Catolica.” Ito ang kinilalang kauna-unahang samahang pampalakasan sa buong bansa. Football ang pangunahing laro ng paligsahan, katuwang ang bastketball. read more »
HINDING-hindi malilimutan sa kasaysayan ng Unibersidad ang minsang naging kontrobersiyal na kaso ng Colegio de San Jose noong 1899 na siyang nagbigay-daan sa pagpapaunlad ng edukasyon sa bansa.
Ang Colegio de San Jose, sa pangunguna ni P. Pedro Chirino, ay binuksan ng mga paring Heswita sa bansa noong Agosto 25, 1601 upang magbigay-edukasyon sa mga naghahangad magpari. Si P. Luis Gomes ang unang rektor nito.
Iginawad ng hari ng Espanya na si Philip V ang titulong “Royal” sa Colegio de San Jose dahil sa mahigit isang siglo nitong paggabay sa mga nais magpari sa bansa. Dahil dito, pinalitan ang pangalan ng institusyon bilang El Real Colegio de San Jose. read more »
LUBOS ang pag-aalala ng mga Dominikano noong Digmaang Kastila-Amerikano ng 1896 dahil sa pangambang mapaalis ang iba’t ibang grupong panrelihiyon dito sa bansa.
Kung mananalo ang mga Amerikano noon, katumbas ito ng pagkawala ng higit sa tatlong siglo na ipinundar nilang mga Kastila lalo na ng mga Dominikanong pari.
Noong Agosto 9, 1898, naghanda ang mga Dominikano ng isang kondisyon sakaling sumuko ang mga Pilipino sa mga Amerikano. Ito ang pananatili ng mga Dominikano sa Intramuros at pagkuha nila ng kanilang mga ari-arian, lupain, at mga gusali na kanilang nakalagay sa insurance. read more »
ANG PAGBUBUKAS ng Unibersidad sa mga babaeng mag-aaral ay hindi naging madali ang prosesong ito dahil kinailangan pa ng isang 23-pahina na petisyon na nagsasaad ng kahilingan ng higit 1,000 na babae upang makapasok sa UST.
Ang desisyon upang papasukin ang mga babaeng mag-aaral ay hindi nagmula sa rektor ng Unibersidad kundi sa Vatican.
Noong Mayo 16, 1923, dumating ang pinakahihintay na sagot mula sa Vatican sa pamamagitan ni Cayetano Cardinal Bisleti, prefect ng Sacred Congregation of Seminaries and University Studies, na nagsasabing maaari nang tumanggap ng mga kababaihan ang UST.
Ang Faculty of Pharmacy ang unang tumanggap ng mga babaeng mag-aaral noong 1924 sa ilalim ng rektor na si P. Manuel Arellano, O.P. read more »
HINDI lamang saligan ng mga patakaran bilang isang mambabatas ang Tomasinong pangulo na si Manuel Quezon ngunit isa ring masigasig na tagapagtaguyod ng wika.
Sa edad na 16, tinapos ni Quezon ang high school sa Colegio de San Juan de Letran. Bagaman hirap ang pamilya, sinikap ni Quezon na maipagpatuloy ang kaniyang pag-aaral kung kaya’t humingi siya ng tulong sa Dominikanong pari na si Fray Serapio Tamayo na noo’y namamahala sa mga interns ng UST. Tinanggap ni Quezon ang trabahong capista o tutor kapalit ng libreng matrikula at paninirahan sa dormitoryo. read more »
BASTA Tomasino, bukas ang mga pahina ng Varsitarian sa opinyon mo.
Nabigyan ng pagkakataon noon ang lahat ng mga sektor ng Unibersidad na ibahagi ang kanilang mga opinyon sa pamamagitan ng isang seksyon sa Varsitarian na tinawag na “Cross Section.”
Nagsimula noong 1969 sa ilalim ng pamumuno ng punong patnugot na si Hernando Gonzalez II, ang Cross Section ay naglalaman ng mga opinyon at impormasyon sa mga paksang hindi batid ng marami na nais ipalathala ng mga Tomasinong guro, mag-aaral, at mga pari. read more »
BALITA at kaalaman tampok sa programang panradyo ng mga Tomasino.
Taong 1968 nang ilunsad ng Unibersidad ang “UST Hour,” isang programa sa radyo tungkol sa sari-saring paksang magdudulot ng interes sa mga mag-aaral at iba pang tagapakinig. Ito’y maaaring mapakinggan noon mula Lunes hanggang Sabado sa ganap na ikapito ng gabi, sa istasyong pambansa na DZRV, Radyo Veritas. Ang dating assistant dean ng Faculty of Arts and Letters na si Piedad Rosales ang siyang namahala sa pagbuo ng konsepto ng mga programa, katulong ang Department of Communication Arts ng Unibersidad. Iba’t ibang tema ang isinasahimpapawid sa programa gaya ng kultura, musika, at mga panayam. read more »
ANG PAMBANSANG bayani at Tomasinong si Jose Rizal ay hindi lamang kilala sa Unibersidad dahil sa kaniyang mga ambag sa lipunan ngunit dahil na rin sa kaniyang matataas na antas.
Sa edad na 16, umani si Rizal ng maraming sobresaliente, isang markang iginagawad sa mga mag-aaral na nagpakita ng pambihirang kakayanan sa pag-aaral ng asignatura. read more »
S.Y. 2011-2012 (Vol. LXXXIII)
S.Y. 2010-2011 (Vol. LXXXII)
S.Y. 2009-2010 (Vol. LXXXI)
S.Y. 2008-2009 (Vol. LXXX)
S.Y. 2007-2008 (Vol. LXXIX)
S.Y. 2006-2007 (Vol. LXXVIII)
S.Y. 2005-2006 (Vol. LXXVII)
S.Y. 2004-2005 (Vol. LXXVI)
S.Y. 2003-2004 (Vol. LXXV)
S.Y. 2002-2003 (Vol. LXXIV)
S.Y. 2001-2002 (Vol. LXXIII)
» Vol. LXXXIII, No. 3 • July 31, 2011 (8MB)
S.Y. 2010-2011 (Vol. LXXXII)
S.Y. 2009-2010 (Vol. LXXXI)
Readers' comments posted in this site do not necessarily reflect the editorial position of the Varsitarian. The Varsitarian does not knowingly publish false information and may not be held liable for the views of readers exercising their right to free expression.
Recent comments
7 hours 54 min ago
1 day 23 hours ago
3 days 1 hour ago
3 days 17 hours ago
1 week 20 hours ago
1 week 21 hours ago
1 week 23 hours ago
1 week 3 days ago
1 week 3 days ago
1 week 5 days ago