Suring-basa

  • warning: substr() expects parameter 3 to be long, string given in /home/varsinet/public_html/sites/all/modules/link/link.inc on line 111.
  • warning: substr() expects parameter 3 to be long, string given in /home/varsinet/public_html/sites/all/modules/link/link.inc on line 111.
  • warning: substr() expects parameter 3 to be long, string given in /home/varsinet/public_html/sites/all/modules/link/link.inc on line 111.

Ang pagbubunyag ng mga lihim

MARAHIL ang pagbabalik ay hindi isang pagbabagong inaasam ngunit isang pagpapatuloy ng pilit na tinatakasang nakaraan.

Pinatunayan ni Anril Pineda Tiatco, propesor ng Theatre Arts sa University of the Philippines-Diliman, na hindi matatakasan ang mga lihim na pilit nang ibinaon ng nakalipas sa kaniyang librong Cuaresma: Isang Dulang Ganap Ang Haba (UST Publishing House, 2013). read more »

Paghubog sa mga kuwentong kababalaghan

ANG BAWAT bayan ay mayroong kuwentong kababalaghang naibaon na ng makabagong panahon, ngunit sa hindi inaasahang mga pangyayari, muli itong huhukayin upang muling ipaalala ang ating pinagmulan.

Sa kaniyang ikalimang librong “Tatlong Gabi, Tatlong Araw” (Visprint, Inc., 2013), na nagkamit ng unang gantimpala para sa kategoryang “Nobela” sa nakaraang ika-63 Carlos Palanca Memorial Awards, dadalhin ni Eros Atalia ang kaniyang mga mambabasa sa isang mundo puno ng misteryo, kaiba sa mga naunang akdang kaniyang naisulat.

Umiikot ang kuwento sa pagbabalik ni Raymundo “Mong” Mojica, dating horoscope writer na ngayon ay isa nang kilalang mamamahayag, sa Barangay Magapok ng Santa Barbara de Bendita, upang tuparin ang huling hiling ng kaniyang namayapang ina. read more »

Paglipad ng malikhaing pag-iisip

ISANG manananggal ang humahayo mula sa isang manunulat sa tuwing babagtasin ng huli ang mundo ng hindi pangkaraniwan.

Ganito ang pagsasalarawan ni Edgar Calabia Samar sa kaniyang mula sa pagsulat sa kaniyang librong “Halos Isang Buhay: Ang Manananggal sa Pagsusulat ng Nobela” (UST Publishing House, 2013), ang nag-iisang kandidato ngayong taon para sa Isagani R. Cruz Prize for Literary Criticism/Literary History in a Philippine Language sa National Book Awards.

Aniya, ang kathang-isip ay maaaring maging inspirasyon sa pagsusulat lalo na isang nobela. read more »

Pagsilip sa misteryo ng Malacañang

TUKLASIN ang mga itinatagong lihim ng sagisag-panulat na “Ultramar” sa apat na sulok ng Malacañang.

Ito ang misteryong hatid ng aklat “Ang Lihim ng Ultramar” (UST Publishing House, 2013) ni Rhod Nuncio, isang propesor sa Departamento ng Filipino at direktor ng Research at Advanced Studies ng College of Liberal Arts sa De La Salle University (DLSU).

Tampok sa akda ang tauhang si Arvin Villa, isang propesor ng DLSU, na siyang nakatagpo sa nakahandusay sa kapilya ang bangkay ni Brother Armido Dominguez, prior chancellor ng naturang Unibersidad. read more »

Kilalang kritiko nagbalik-tula

SAANMANG bahagi ng mundo, nananatili pa rin ang panitikang Pilipino bilang kasangkapan sa pagbalikwas mula sa nakasanayang sistema ng lipunan.

Ito ang ipinarating ni Epifanio San Juan, Jr., sa kaniyang ikalimang aklat sa panitikan na pinamagatang Ulikba at iba pang bagong tula (UST Publishing House, 2013).

Si San Juan ay dating propesor ng Literature sa University of the Philippines at ngayo’y Emeritus Professor ng English at Comparative Literature and Ethnic Studies sa Washington State University at University of Connecticut.

Kilalang kritiko, mapapansin sa 40 na kalipunan ng mga tula ang kaniyang pagsalungat sa “’di makatarungang” pagtrato sa mga mahihirap at ang kaniyang suporta sa mga kaliwang grupo o leftists sa bansa. read more »

Mito, manananggal, at kaganapan

PAANO kung naging bihasa ka na sa sining ng pagkawala at hindi ka na muling makababalik pa sa iyong nilisang mundo?

Isinalarawan ng librong “Kasunod ng 909” (2012, UST Publishing House) ni Edgar Calabia Samar, isang kuwentista at propesor ng Ateneo de Manila University, ang marubdob na sining ng pagkawala at ang mayamang kasaysayan ng mga mito at alamat sa bansa.

Ayon kay Samar, ang kaniyang akda ay isa sa “trilogy” o ang mga tatlong sunod-sunod na nobela na kaniyang isinulat ngunit hindi magkakaugnay.

“Trilogy sila—ang ‘Walong Diwata ng Pagkahulog,’ ang ‘Kasunod ng 909’, at ang isa pang nobelang aking ginagawa—dahil ang kanilang pamagat ay may mga numero,” ani Samar sa Varsitarian.  read more »

Pagpapatuloy ng isang kabanata

NGAYONG 2012, darating ang mga alien upang sakupin ang daigdig at unti-unting ubusin ang sangkatauhan.

Ngunit bago pa man ito mangyari, minadali nang tapusin ni Eros Atalia ang kaniyang pinakabagong librong, It’s Not That Complicated: Bakit Hindi Sasakupin Ng Mga Alien Ang Daigdig sa 2012 (Visprint, 2012), ang karugtong na kuwento ng pag-iibigan nina Intoy at Jen sa librong Ligo Na Ü, Lapit Na Me (2009).

Tampok sa akda ang buhay ng pangunahing tauhang si Intoy bilang isang product developer sa isang advertising company.  read more »

Malikhaing pagmamadali

ROMANCE, comedy, horror, at fantasy sa iisang libro ng mga maiikling kuwento.

Sa kaniyang ikaapat na aklat na “Wag Lang ‘Di Makaraos: Mga Kuwentong Pasaway, Paaway, at Pamatay,” (Visprint, Inc., 2011) pinasok ni Eros Atalia ang isang panibagong mundo na malayo sa kaniyang naunang tatlong libro na pawang mga nobela.

Ang “‘Wag Lang ‘Di Makaraos” ay binubuo ng 100 dagli (“flash writing”)na nahahati sa sampung mga kategorya. Ang dagli ay isang uri ng pampanitikang Filipino na naglalarawan ng bagay, tao, o pangyayari sa maikling paraan at karaniwang ginagamitan ng talinghaga, siste, o satira. Mayroong iba’t ibang tema ang bawat kategorya gaya ng kababalaghan, pag-ibig, at pagtanda.  read more »

Pagbabalik sa pamamagitan ng tula

PANGKARANIWAN mang maituturing ang isang bagay, mayroon at mayroon pa rin itong makabuluhang epektong maidudulot sa atin.

Dito nakasentro ang antolohiyang Baha-bahagdang Karupukan ni Jim Pascual Agustin (UST Publishing House, 2011), isang makatang kasalukuyang naka-base sa bansang Aprika, kung saan niya isinulat ang ilan sa mga tula sa aklat. Ang Baha-bahagdang Karupukan ay isang koleksiyon ng mga tulang nakatuon sa mga bagay at pangyayaring mistulang nalilimutan nang pahalagahan ng mga tao dahil sa pagiging abala sa kanilang pang-araw-araw na gawain.  read more »

Sari-saring kuwentong tahanan

BATONG BAHAY, hindi munti. Ang mga kuwento ng pamilyang naninirahan doon ay sari-sari.

Dito umiikot ang Batong Bahay: Naratibo ng Kahirapan at Tagumpay ng Isang Karaniwang Pamilyang Pilipino (UST Publishing House, 2010) ni Clarence Batan, guro at mananaliksik ng sosyolohiya sa Faculty of Arts and Letters. Ito ay kuwento ng pamilya ng may-akda na tinulak ng determinasyon at pag-asa upang makaahon sa hirap at makapagpatayo ng bahay na yari sa bato. Nahahati sa limang kabanata, binubuo ito ng mga salaysay ng mga miyembro ng pamilya at kung paano nila matagumpay na naipatayo ang pangarap nilang tahanan mula sa unang porma nito na gawa lamang sa pinagtagpi-tagping kahoy.  read more »

Back Issues

S.Y. 2013-2014 (Vol. LXXXV)

S.Y. 2012-2013 (Vol. LXXXIV)

S.Y. 2011-2012 (Vol. LXXXIII)

S.Y. 2010-2011 (Vol. LXXXII)

S.Y. 2009-2010 (Vol. LXXXI)

S.Y. 2008-2009 (Vol. LXXX)

S.Y. 2007-2008 (Vol. LXXIX)

S.Y. 2006-2007 (Vol. LXXVIII)

S.Y. 2005-2006 (Vol. LXXVII)

S.Y. 2004-2005 (Vol. LXXVI)

S.Y. 2003-2004 (Vol. LXXV)

S.Y. 2002-2003 (Vol. LXXIV)

S.Y. 2001-2002 (Vol. LXXIII)

The 'V' in PDF

» Vol. LXXXIV, No. 12 • April 8, 2013 (5MB)
» Vol. LXXXIV, No. 11 • March 15, 2013 (4MB)
» Vol. LXXXIV, No. 10 • February 11, 2013 (4MB)
» Vol. LXXXIV, No. 9 • December 17, 2012 (9MB)
» Vol. LXXXIV, No. 8 • December 7, 2012 (9MB)
» Vol. LXXXIV, No. 7 • November 20, 2012 (9MB)
» Vol. LXXXIV, No. 5 • September 9, 2012 (9MB)
» Tomo LXXXIV, Blg. 4 • Agosto 19, 2012 (8MB)
» Vol. LXXXIV, No. 3 • July 30, 2012 (6MB)
» Vol. LXXXIV, No. 2 • July 7, 2012 (6MB)
» Vol. LXXXIV, No. 1 • June 18, 2012 (16MB)

S.Y. 2010-2011 (Vol. LXXXII)

S.Y. 2009-2010 (Vol. LXXXI)

User login

Recent comments

Disclaimer

Readers' comments posted in this site do not necessarily reflect the editorial position of the Varsitarian. The Varsitarian does not knowingly publish false information and may not be held liable for the views of readers exercising their right to free expression.