Guryon

Pagkamulat sa iba't ibang mukha ng mundo

MARAMING pangyayari sa ating buhay ang nagbibigay-aral at inspirasyon sa atin. May mga magagandang karanasan na nagdudulot sa atin ng ligaya, ngunit kadalasa’y mula sa mga mapapait na pangyayari nagmumula ang mga aral na habambuhay na tatatak sa ating sarili.

Ito ang mapagtatanto ng sino mang bubuklat ng mga pahina ng Sagad sa Buto (UST Publishing House, 2010) ni Romulo Baquiran Jr., isang propesor sa Unibersidad ng Pilipinas sa kauna-unahan niyang akda na nasusulat sa paraang impormal o “creative verities”. read more »

Ramayana sa kontekstong Filipino

ISANG sinaunang epiko ng mga Hindu na sa pagkakataong ito ay nabigyan ng tatak Filipino nang salaminin nito ang pagkakabuklod-buklod ng mag-anak.

Ito ang mahihinuha ng sino mang babasa ng Sibago (UST Publishing House, 2009) ni Abdon Balde Jr., isang inhinyero at kilalang Bikolanong manunulat. Ang Sibago ang ikawalo at pinakabagong aklat na isinulat ni Balde.

Ang nobela ay umiikot sa karakter ni Janu, tsuper ng isang commuter van na kaniyang nabili mula sa paghahanapbuhay sa ibang bansa. Nang maging pasahero niya ang magkasintahang sina Kumar na isang Nepali, at ang Filipinang si Liza, dito na nagsimula ang paglalakbay ng tatlo sa kanilang mala-Ramayanang tadhana.  read more »

Kapangyarihang maglingkod sa kapwa

“Hope is the radical refusal to put limits on what God can do.”

HINDI na bago para sa mga Tomasino ang pagbaha sa tuwing malakas ang pagbuhos ng ulan o kaya naman ay bumabagyo. Gaya na lamang noong Setyembre 26, kung kailan isang lampas-tuhod na baha ang sumakop sa UST. Nakagugulat lamang na hindi kaagad humupa ang baha. Dahil dito, hindi bababa sa dalawang libong tao ang nagutom at nauhaw dahil sa pagkaka-stranded sa iba’t-ibang gusali sa kampus.

Noong sinabi sa seminaryo na kailangan ng volunteers para magdala ng makakain sa mga na-stranded, nagdesisyon akong sumama. Noong una, gusto ko lamang sumama kasi nababagot na ako sa loob ng seminaryo. Hindi na rin kasi ako makapag-text dahil walang signal at nagsasawa na rin akong magbasa tungkol sa pilosopiya. Kumbaga, gusto ko lang magkaroon ng kaunting adventure. Pero hindi ko akalaing higit pa sa pagpawi sa kabagutan ko ang aking mararanasan. read more »

Puso sa pagsusulat

NANG minsang atasan ako ng aming patnugot na magsulat ng maikling kuwento, halos pitong beses ko itong iniwasto bago pumasa sa kaniyang panlasa. Sa tuwing ibinabalik sa akin ang aking artikulo, hindi ko malaman kung ano ba ang dapat kong gawin upang mapaganda ito. Pakiramdam ko, laging mali ang ginagawa ko. Para bang wala akong ikinaunlad simula noong unang beses akong magsulat sa kabila ng patuloy na paggabay sa akin ng aking patnugot. Naisip ko tuloy na marahil, hindi ito para sa akin.

Kaya naman hanggang ngayon, hindi pa rin ako lubos na makapaniwala na isa ako sa mga estudyanteng napili para sa ika-limang Varsitarian Fiction Workshop. Isang malaking pribilehiyo para sa akin ang makaharap ang mga premyadong kuwentista na sina Jun Cruz Reyes, Eros Atalia at Abdon Balde, Jr. Bago kasi lumabas ang resulta ng Fiction Workshop, iniisip ko nang iwanan ang pagsusulat. Hindi ko kasi gusto ang paulit-ulit na pagwawasto ng artikulo.  read more »

Kuwentong Uste ko

ROYAL, Pontifical and Catholic University of the Philippines. Nakita ko ito sa folder ng kaklase ko. Sabi ko, “UST ba ‘yun?”. Nagliparan ang grupo ng mga bubuyog papunta sa kumikinang na bumbilya sa itaas ng aking ulo. Parang may bumulong sa aking mga tainga na UST daw ang magiging daan upang matupad ko ang aking pangarap.

Simple lang naman ang aking pangarap. Ang mabigyan ng litrato ang aking nanay at tatay kung saan nakasuot ako ng tela’t sumbrerong itim habang may hawak na ni-rolyong papel. Ngunit naisip ko rin, saan kaya ako magsisimula para matupad iyon? Muli na namang nagliparan ang mga gamu-gamo. Nagising ang diwa ko habang hawak ko ang folder ng aking kaklase. Nakatingin ako sa ibabang bahagi ng folder kung saan nakalagay ang address, website, telephone at kung anu-ano pang impormasyon tungkol sa UST.  read more »

Kabataang Pinoy sa halalan

Malaking bahagi ang gagampanan nating mga kabataan sa pagpili ng susunod na mamumuno sa bayan.

Sa datos ng Commission on Elections, mahigit-kumulang 11 milyong kabataan edad 18 hanggang 30 ang inaasahanng boboto sa halalang darating. Bukod pa rito ang inaasahang dalawa hanggang limang milyong magpaparehistrong botante para makaboto simula noong Enero hanggang sa ika-31 ng Oktubre.

Sa taya naman ng Kabataan Party-list, binubuo ng kabataan ang 40 porsiyento ng kabuuang bilang ng mga botante. Kasalungat ito sa nangyari noong 2004 kung saan 19 na porsiyento lamang ng humigit kumulang 24 milyong kabataan ang nagparehistro para bumoto.

Sinasalamin nito ang ginawang pag-aaral ng National Institute for Political Studies na nagpapakitang naging matamlay na ang pakikibahagi ng kabataan sa tuwing darating ang halalan. read more »

Pagpupugay sa mga working scholar

Higit isang taon na rin ang lumipas nang magdesisyon akong kumuha ng San Lorenzo Ruiz scholarship. Bunga ng problemang pinansyal ng aming pamilya, naisip ko na ito na lamang ang natitirang paraan para manatili ako sa Unibersidad at makatulong sa aking mga magulang.

Ang San Lorenzo Ruiz scholarship ay isang programa ng Unibersidad na nakalaan para sa mga Tomasinong nagnanais ipagpatuloy ang pag-aaral sa kabila ng problemang pinansyal. Ipinagkakaloob ito sa mga estudyanteng may general weighted average (GWA) na hindi bababa sa 2.50 at handang maglaan ng serbisyo para sa Unibersidad na may 20 hanggang 30 na oras sa loob ng isang linggo. Hatid ng pribilehiyong ito ay ang 100 porsyentong diskuwento sa matrikula at buwanang suweldo.  read more »

Iskolar

NAGMULA ako sa isang pampublikong paaralan. Isang paaralan kung saan ang lahat ng estudyante ay itinuturing na iskolar ng bayan. Walang tuition, kahit piso. Ang binabayaran lamang ay ang paminsan-minsang Red-Cross ticket at iba pang mga kontribusyon.  read more »

Sa pananaw ng isang seminarista

NAGULANTANG ang buong mundo sa kumakalat na kuwento ng mga pari na sumuway sa kanilang pangako noong sila’y ordenahan, na mamuhay nang malaya sa tawag ng laman. Sa ibang bansa, patok sa balita ang mga pari at obispo na nasasangkot sa kasong pedophilia. Katunayan, isang diyosesis ang muntik nang maubusan ng pera dahil sa laki ng ibinayad nila sa korte bilang damyos sa mga naging biktima ng kanilang mga pari.  read more »

Oras at kargo ngayong Pasko

Ilang araw na lamang ang bibilangin bago dumating ang araw ng Pasko, ngunit tila ngayon ko lang naitanong sa aking sarili: “Paano ba namin ipagdiriwang ang Pasko, ngayong dalawa na lamang kami ng aking kapatid na narito sa Pilipinas?”  read more »

Back Issues

S.Y. 2011-2012 (Vol. LXXXIII)

S.Y. 2010-2011 (Vol. LXXXII)

S.Y. 2009-2010 (Vol. LXXXI)

S.Y. 2008-2009 (Vol. LXXX)

S.Y. 2007-2008 (Vol. LXXIX)

S.Y. 2006-2007 (Vol. LXXVIII)

S.Y. 2005-2006 (Vol. LXXVII)

S.Y. 2004-2005 (Vol. LXXVI)

S.Y. 2003-2004 (Vol. LXXV)

S.Y. 2002-2003 (Vol. LXXIV)

S.Y. 2001-2002 (Vol. LXXIII)

The 'V' in PDF

» Vol. LXXXIII, No. 3 • July 31, 2011 (8MB)

S.Y. 2010-2011 (Vol. LXXXII)

S.Y. 2009-2010 (Vol. LXXXI)

User login

Recent comments

Disclaimer

Readers' comments posted in this site do not necessarily reflect the editorial position of the Varsitarian. The Varsitarian does not knowingly publish false information and may not be held liable for the views of readers exercising their right to free expression.