Batingawan

Ang hinaharap ng wikang Espanyol sa UST

SA PANAHON kung kailan ang umiiral na krisis pampinansyal ay nagdudulot ng kawalan ng trabaho sa buong mundo, sinasabi na nakalalamang ang mga taong maraming alam gawin bukod sa kanilang natapos na espesyalidad.

Sa isang kabanata ng programang Kapuso Mo, Jessica Soho noong Peb. 7, ipinalabas dito ang mga taong nagtratrabaho sa mga call center kahit na wala itong kaugnay sa kanilang natapos na kurso. Ang kanila lamang pagkakaparehas ay ang kakayahang magsalita ng ikatlong lenggwahe bukod sa Filipino at Ingles. Isa na rito ang wikang Espanyol.  read more »

Hanap-buhay

TINATAYANG 400,000 Pilipino ang nagtatapos ng kolehiyo taun-taon. Magkakaiba man ng kursong tinapos, pinagbubuklod ang mga ito ng iisang layunin-ang makahanap ng matinong trabaho matapos ang halos 15 taong pag-aaral.

Subalit, sa patuloy na pagbagsak ng ekonomiya dahil sa iba’t ibang dahilan tulad ng terorismo at kawalang kasiguruhan sa pulitika, tiyak na higit na maraming Pilipino na naman ang walang trabaho dahil sa pagdagsa sa merkado ng mga nagsipagtapos.

Istadistika  read more »

May kinabukasan pa ba ang edukasyon sa Pilipinas?

SA SANDAANG kabataang nakakapagtapos sa hayskul, 45 lamang sa mga ito ang nakakapasok sa mga unibersidad at pamantasan. At sa 45 na ito, kalahati o 20 lamang ang matagumpay na nakakapagtapos sa kolehiyo. Ang tanong: ano ba ang problema?  read more »

Wika sa saliw ng musika

MAGKAAGAPAY ang awit at wika sa pagbuo ng pagkakakilanlan ng kulturang Filipino.

Maihahalintulad sa kaluluwa ng isang tao ang ugnayan ng dalawa kahit masalimuot at hindi eksaktong maipapaliwanag ang kahulugan nito. Bunga nito, mauuwi lamang sa mahabang pag-aaral at diskurso ang anumang usaping nahihinggil dito.  read more »

Turismo sa kuko ng Maynila

matatagpuan sa makasaysayang lungsod ng Maynila, may maipagmamalaking kasaysayan din ang munting ‘lungsod’ ng Intramuros. Sa loob ng mahabang panahon bago pa sumapit ang ika-19 siglo, ang Intramuros ang nagsilbing pintuan ng iba’t ibang kalakalang lokal at pandaigdigan.

“It is a reminder (Intramuros) of our identity. A mixture of what we are as Filipinos and what we were as colonial Filipinos,” ayon kay Jose Victor Torres, Senior Historic Sites Development Officer ng Intramuros Administration.  read more »

Banta sa pagpapahayag

BALAK sana ni Jun Cruz Reyes, dating punong patnugot ng Dyaryo Hagonoy at batikang kuwentista sa Filipino, na magtayo ng isang community library katabi ng kanilang barangay hall sa Hagonoy, Bulacan. Dito niya ilalagay ang mga librong pampanitikang kanyang nakalap mula sa iba’t ibang awtor. Ngunit naudlot ito dahil noong Hunyo, inokupahan ito ng mga sundalo. Hindi na rin siya makauwi sa Bulacan dahil bilang isang propesor sa Unibersidad ng Pilipinas (UP), minamanmanan siya ng mga operatiba ng Armed Forces of the Philippines sa paghihinalang kaalyado siya ng New People’s Army.  read more »

Kalampagang Balikatan

MULING naging matunog ang usapin ng seguridad ng bansa sa pagsisimula ng Balikatan 02-1 Military Exercises sa isla ng Basilan kamakailan. Lalahukan ng mahigit 3,800 Pilipino at 660 Government Issued (G.I.) na Amerikanong sundalo ang nasabing pagsasanay.  read more »

Serbisyo (?) mula sa subsidyo

Grapiks ni S.I.R. MacaisaDALAWANG buwan na ang nakakaraan simula nang tanggapin ni Elna Alunan-Bueno, 52-taong gulang, ang 500 pisong subsidyo mula sa “Katas ng VAT,” isang proyekto ng gobyerno na naglalayong tulungan ang mahihirap gamit ang nakokolektang buwis mula sa serbisyo’t produkto gaya ng kuryente, langis, at iba pa. Aniya, inabot siya ng tatlong oras sa pagpila bago makuha ang subsidyong ipinangako ng gobyerno.

Habang tinitiis ang init ng araw sa labas ng Landbank, isang bangkong pagmamayari ng gobyerno, napagtanto niya na mahirap palang kumuha ng sarili niyang pera na nagmula sa buwis na kanyang binabayaran.

“Gusto ko na nga sanang umuwi,” sabi ni Elna. “Kaso kapag umuwi ako, sayang ang perang makukuha ko.”  read more »

Kita sa VAT, saan nararapat?

Dibuho ni S.I.R. MacaisaSA GITNA ng matinding krisis pang-ekonomiya na kinakaharap ngayon ng bansa at maging ng buong mundo, sinisikap ng bawat pamahalaan na makalikom ng karagdagang kita upang matugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan.

Sa Pilipinas, isa sa mga hakbang na isinagawa ng gobyerno ay ang pagastos ng koleksyon mula saValue Added Tax (VAT) upang tulungan umano ang mga mahihirap.  read more »

Freshmen, handa ba sa araling kolehiyo?

ISANG pangarap ng mga estudyante ang makapasa sa masusing admission test na ipinapasagot ng eskuwelahang nais niyang pasukan. Ito’y upang masigurong sapat ang kanyang kaalaman para mapagtagumpayan ang buhay-kolehiyo.

Bilang paghahanda sa mga magsisipagtapos sa high school, gumawa ng mga masusing hakbangin ang Department of Education (DepEd) upang mabigyan ng magandang pundasyon ang mga mag-aaral sa kanilang pagkuha ng bachelor’s degree. Una ay ang National College Entrance Exam (NCEE) na ibinibigay upang masigurong sapat ang natutunan ng estudyante na kinakailangan upang makapasok siya sa kolehiyo.  read more »

Back Issues

S.Y. 2011-2012 (Vol. LXXXIII)

S.Y. 2010-2011 (Vol. LXXXII)

S.Y. 2009-2010 (Vol. LXXXI)

S.Y. 2008-2009 (Vol. LXXX)

S.Y. 2007-2008 (Vol. LXXIX)

S.Y. 2006-2007 (Vol. LXXVIII)

S.Y. 2005-2006 (Vol. LXXVII)

S.Y. 2004-2005 (Vol. LXXVI)

S.Y. 2003-2004 (Vol. LXXV)

S.Y. 2002-2003 (Vol. LXXIV)

S.Y. 2001-2002 (Vol. LXXIII)

The 'V' in PDF

» Vol. LXXXIII, No. 3 • July 31, 2011 (8MB)

S.Y. 2010-2011 (Vol. LXXXII)

S.Y. 2009-2010 (Vol. LXXXI)

User login

Recent comments

Disclaimer

Readers' comments posted in this site do not necessarily reflect the editorial position of the Varsitarian. The Varsitarian does not knowingly publish false information and may not be held liable for the views of readers exercising their right to free expression.