SI GENOVEVA Edroza-Matute, o mas kilala sa tawag na “Aling Bebang,” ay isa sa pinakadakilang manunulat at kuwentista ng panitikang Filipino. Nagtapos ng Bachelor of Secondary Education major in English, master’s, at doctorate degree sa UST, si Aling Bebang ay nagkamit ng iba’t ibang parangal tulad ng Carlos Palanca Memorial Awards for Literature, Gawad Cultural Center of the Philippines para sa Sining (Panitikan), Republic Literary Awards ng National Commission for Culture and the Arts, at Lifetime Achievement Award para sa Panitikan na ginawad ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
Ang sumusunod na kuwento ay base sa katauhan ng isang batang lalaki na naging estudyante ni Matute dati. Nagwagi ang akdang ito ng Palanca noong 1955. read more »
TUNAY na maunlad ang wikang Filipino kung kaya’t masasabing ganap na itong isang wikang “global” lalo na’t ikaanim na ito sa mga pangunahing wika sa Estados Unidos maliban sa Ingles.
Ito ang tinuran ng manunulat at propesor na si Ruth Elynia Mabanglo ng University of Hawaii sa Panayam sa Wika 2010: “Kalikasan ng Wika, Wika ng Kalikasan” na ginanap sa Bulwagang Rizal, St. Raymund’s Building noong ika-5 ng Agosto.
Ayon kay Mabanglo, may sariling kalikasan ang wika ngunit ang kalikasan ay may sarili ring wika.
“May wika ang hangin, ang palaspas ng mga dahon, ang alimoy ng labi, ang hindi magkamayaw na boses sa palengke, ang busina at ugong ng makina ng sasakyan,” ani Mabanglo, na isang dalubhasa sa pag-aaral sa wika. read more »
BAGAMAN namayani ang salitang “jejemon” sa nakaraang Sawikaan 2010: Pambansang Kumperensiya sa Salita ng Taon, hindi naman nagpahuli ang mga Tomasino sa pangunguna ng mga eksperto sa wika tulad nina Vim Nadera, Michael Coroza, Rebecca Añonuevo, at Roberto Añonuevo habang isa ring Tomasino ang nagwagi para sa salitang “tarpo.” read more »
MGA PAA nati’y lumilibot,
lumiligid nang walang humpay
habang sumasayaw sa saliw
ng musikang kaindak-indak.
Lahat ng mata’y nakakadena
sa mga walang lamang upuan
at sa biglang paghinto ng tugtog,
tayo ay hindi magkandaugaga.
Nag-uunahan, hilahan, at nanghahawian
walang alinlangang nangunguyog,
handang manakit at mang-iwan
para sa ginhawa ng pag-upo.
Ang karamiha’y masayang nakaupo,
komportable’t buo ang mga ngiti
habang ang isang kasamaha’y
nakatayo at nag-iisang talunan. read more »
ALAS tres. Nakapapaso ang init ng araw. Madalang ang pag-ihip ng hangin kung kaya’t damang-dama ang alinsangan ng panahon. Mula sa aking kinatatayuan ay tanaw na tanaw ko ang batang naglalako ng diyaryo. Tumatagaktak ang pawis nito habang bitbit ang mga paninda nitong sa tingin ko’y kaunti pa lamang ang nababawas.
“Psst! Boy! Halika rito!”, sigaw ko.
Dali-daling lumapit ang pawisang bata na sa aking palagay ay wala pang sampung taong gulang.
“Bigyan mo nga ako ng isa.”
“Alin po rito?”
“Kahit ano, pare-parehas lang naman laman niyan,” tugon ko sabay abot ng sampung piso. read more »
NANG maghulog ng mga dilaw na talulot sa mga tao ang isang helikopter matapos ang panunumpa ni Pangulong “Noynoy” Aquino noong Hunyo 30 sa Quirino Grandstand, isang Tomasino ang naging saksi sa makasaysayang senaryong ito.
Para kay Karen Ivy Santos, 18, ng College of Tourism and Hospitality Management, hindi pangkaraniwan ang mga talulot na ito sapagkat ang mga ito ay paalala ng kaniyang tungkulin bilang isang kabataang Filipino.
Ang inagurasyon ay habambuhay na magiging bahagi ng kasaysayan, hindi lang dahil sa mga tala ng mga historyador at mamamahayag, mga retrato, kundi pati na rin sa mga memorabilia na nauuso sa panahong ito. read more »
“KUMBAGA sa bangka, hindi na kami hiwa-hiwalay na sumasagwan sa iba’t ibang direksiyon, kundi isa na lamang ang tinatahak naming daan.”
Ganito inilarawan ni Aissa Jimenez, propesor sa Filipino sa Faculty of Arts and Letters ang muling pagkakaroon ng sariling tahanan ng wikang Filipino sa Unibersidad—ang Departamento ng Filipino na muling nabuhay matapos manatili sa Departamento ng Wika kasama ang Ingles at Espanyol sa loob ng 31 na taon.
Sa bisa ng proyektong vertical articulation na nagbibigay pansin sa isang departamento upang magkaroon ito ng sariling opisina, pondo, at tagapangulo, ang Departamento ng Filipino ay muling ibinalik upang higit na mabigyan ng atensiyon ang wikang Filipino sa Unibersidad. read more »
NAGKAKATITIGAN
ang mga hindi mapanatag
na kaba
habang tahimik
at palihim
na tumatakas
ang mga kamay
ng nalalabing pag-asa.
Nakalulugmok
ang malamig na pagbabanta
ng unti-unting
paghina
ng mga alingasngas
ng pagliligtas.
Sa pagtakas
ng pintuan ng paghihintay,
sumalubong
ang nakatalukbong
na pamamaalam
at ang lumalangitngit
na paglisan. read more »
EyoW PfoUwhsZ! N4i!n+1nD!h4n nY0oHw Pfu0H b4nGzZ 5!n4$4b! kOwhH??? (Hello po! Naiintindihan n’yo po ba’ng sinasabi ko?)
MARAHIL kung wala ang sumunod na pangungusap, mahihirapan ang sino man na basahin at intindihin ang simpleng tanong na nakasulat sa paraang kinaiinisan ng marami sa kasalukuyan— ang jejemon language. read more »
NAWA’Y gabayan kayo ng Panginoon sa tamang pagpili ng mga kandidato sa darating na eleksyon. Iboto niyo ang karapat-dapat ayon sa inyong konsensiya.”
Agad-agad na pinaligiran ng mga bodyguard si Mayor Lucky Gonzalez at ang kaniyang pamilya sa hudyat ng pagtatapos ng misa.
“Nakakangalay naman na kumaway palagi sa mga taong hindi mo naman kilala. Halos mabali na ang braso ko,” ani Mayor Lucky sa sarili habang palabas ng simbahan. read more »
S.Y. 2010-2011 (Vol. LXXXII)
S.Y. 2009-2010 (Vol. LXXXI)
S.Y. 2008-2009 (Vol. LXXX)
S.Y. 2007-2008 (Vol. LXXIX)
S.Y. 2006-2007 (Vol. LXXVIII)
S.Y. 2005-2006 (Vol. LXXVII)
S.Y. 2004-2005 (Vol. LXXVI)
S.Y. 2003-2004 (Vol. LXXV)
S.Y. 2002-2003 (Vol. LXXIV)
S.Y. 2001-2002 (Vol. LXXIII)
» Tomo LXXXII, Blg. 4 • Agosto 31, 2010 (7MB)
» Vol. LXXXII, No. 3 • July 31, 2010 (5MB)
» Vol. LXXXII, No. 2 • July 16, 2010 (6MB)
» Vol. LXXXII, No. 1 • July 1, 2010 (5MB)
S.Y. 2009-2010 (Vol. LXXXI)
Adobe Reader is required to open the file/s linked above. Click here to download.
Readers' comments posted in this site do not necessarily reflect the editorial position of the Varsitarian. The Varsitarian does not knowingly publish false information and may not be held liable for the views of readers exercising their right to free expression.
Recent comments
23 hours 10 min ago
1 day 16 hours ago
1 day 23 hours ago
1 day 23 hours ago
1 day 23 hours ago
2 days 13 hours ago
2 days 14 hours ago
3 days 5 hours ago
4 days 17 hours ago
5 days 13 hours ago