Editorial & Opinion

Igalang ang wika sa mga rehiyon

HABANG ipinagdiriwang natin ang pagkakaroon ng Wikang Pambansa, kailangan din nating malaman na ang wikang Filipino ay isang wikang papausbong pa lamang at hindi dapat idikta bilang wikang dapat gamitin ng bawat Filipino.

Bago pa man naging Filipino ang Wikang Pambansa, mayroon ng sariling wika ang bawat rehiyon na ginagamit simula’t sapul. Ito ang kanilang wikang ginagamit sa kanilang pang-araw-araw na pumumuhay, at ang wikang nagbuklod sa kanila bilang isang komunidad at pamayanan.

Sa kasamaang palad, kagaya ng wikang “Pilipino” na halaw sa Tagalog, nilalamat na rin ang mga wikang pang-rehiyon dala ng globalisasyon. read more »

Mandatory ROTC, hindi solusyon

Humigit-kumulang walong taon na ang nakalilipas mula nang ipasa ang batas na ginawang optional ang Reserved Officers Training Corps (ROTC), at halos siyam na taon na rin mula nang mabalita ang pagkamatay ng Tomasinong si Mark Welson Chua na diumano’y dahil sa military hazing, na naging daan din upang mabunyag ang mga katiwalian sa pamunuan ng UST-ROTC noon.

Kaya’t nangamba ako nang sumulpot ang mga balibalitang plano ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines na gawing mandatory ang ROTC, hindi lamang dahil sa posibilidad ng pangalawang Mark Chua, kundi pati na rin ang maaaring paglaganap ng katiwalian at baluktot na kahulugan ng pagkamakabayan. read more »

Sa likod ng mga salita

PAANO nga ba nasusukat ang kahusayan ng isang peryodista? Ano ba ang mga pamantayan, at sino ang may karapatang humusga?

Sa aking paniniwala, ang isang magaling na peryodista ay hindi iyong gumagamit ng mga malalalim at modernong salita sa pagbabalita at mabubulaklak na pananalita para makapagbigay ng impresiyong siya ay mahusay at may malalim na pag-iisip.

Sa halip, ang isang magaling na peryodista ay iyong malayang nakapaghahatid ng pinakasariwang balita sa pinakasimpleng paraang maaari. Sariwa, dahil ito ang masasabing pre-requisite sa pag-uulat ng balita, at simple dahil ang layunin ng isang pahayagan ay maghatid ng balita na maiintindihan ng lahat ng kaniyang mambabasa. read more »

Ang kabiguan sa Student's Code

ISA, DALAWA, tatlo, apat, lima, anim… pito?

Anim na taon na ang nakalilipas mula nang balangkasin ang tinawag na Magna Carta for Student Rights, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin natatamasa ng mga mag-aaral sa Unibersidad na ito ang magkaroon ng hanay ng mga patakarang magsisilbing proteksiyon nila laban sa mga di-makatuwiran at di-makatarungang alituntunin ng mga propesor at ng mismong Unibersidad.

Kung gaano karami ang mga buwan kung saan nanatiling nakabinbin ang ngayo’y tinawag nang Thomasian Student’s Code, marahil ganoon na rin karami ang mga naging opisyal ng Central Student Council (CSC) na nangasiwa at nagpatuloy sa pag-aasikaso nito, at tila ganoon na rin karami ang kabiguang dinanas ng mga mag-aaral dahil dito. read more »

Tunay na nasyonalismo

ILANG linggo na ang nakararaan nang atasan kaming gumawa ng critique ng aming guro sa literary criticism. Maaari kaming mamili ng papaksain, kung ang Noli Me Tangere o El Filibusterismo ni Jose Rizal ba o ang Spoliarium ni Juan Luna. Pinili ko ang Noli Me Tangere, habang ang karamihan naman ay ang Spolarium. Isang kamag-aral ang nagsabi sa akin na kaya niya pinili ang huli ay dahil hindi niya naintindihan ang alin man sa dalawang nobela ni Rizal, bagay na nakabibigla gayong mandatory ang pagtuturo nito sa mataas na paaralan alinsunod sa kautusan ng Kagawaran ng Edukasyon. read more »

Wikang Filipino sa UST

Ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ay nagtakda ng Proklamasyon Blg. 1041 para sa taunang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa tuwing Agosto. Ang tema sa taong ito ay “Sa Pangangalaga ng Wika at Kalikasan, Wagas na Pagmamahal Talagang Kailangan,” na iniendorso naman ng Commission on Higher Education (CHED) at ng Departamento ng Edukasyon bilang pakikiisa sa pagdiriwang. Nakapagtataka lamang na kailangan pa ng ganitong hakbang gayong sariling wika, na marapat lamang nating gamitin sa pang-araw-araw na pamumuhay, ang pinag-uusapan.

‘Di tulad ng mga mauunlad na bansa sa Asya gaya ng Japan at China, ang ating bansa ay patuloy pa rin sa paggamit ng wikang Ingles, na sa aking pananaw ay hindi lubusang pagpapahalaga sa sariling wika at sa sarili nating kultura. read more »

Other Publications

User login

Recent comments

Disclaimer

Readers' comments posted in this site do not necessarily reflect the editorial position of the Varsitarian. The Varsitarian does not knowingly publish false information and may not be held liable for the views of readers exercising their right to free expression.