Mga Tomasino, tumakbo para sa Pasig

MAHIGIT 1,500 na Tomasino ang lumahok sa “Kapit Bisig Para sa Ilog Pasig” marathon noong Nobyembre 8 bilang suporta sa pagsasaayos ng dati’y malinis na ilog sa kalakhang Maynila.

Pinangunahan nina Fr. Florentino Bolo O.P., bagong secretary general, Fr. Angel Aparicio O.P., prefect of libraries, at ng vice rector for Finance Fr. Manuel Roux, O.P., ang mga estudyante mula sa National Service Training Program (NSTP) at Reserve Officers’ Training Corps sa pagtakbo.

Nakiisa rin ang mga empleyado ng Office of Public Affairs, Office for Community Development at Office of the Rector pati na ang kopunan ng UST Growling Tigers sa marathon. Ang lahat ng mga Tomasino ay nakasuot ng dilaw na t-shirt.

“Maganda ‘yung activity, lalo na para sa mga taga-UST kasi tumakbo yung mga Thomasians as a community,” ani Jonathan Gamalinda, estudyante ng Graduate School na lumahok sa marathon.

Mayroon namang mga hindi naging positibo ang reaksyon sa marathon.

“Defeated ang purpose. Nagkalat naman sila pagkatapos,” ani Demese Vzmyn Victoria, estudyante mula sa NSTP.

Ang 42 kilometrong marathon na dinaluhan ng mahigit sa 21,000 katao sa Quirino Grandstand ay nakalikom ng halos P5 milyon mula sa registration fee na P250 kada-tao. Ito ay gagamitin para sa rehabilitasyon ng Ilog Pasig.

Sa kabila ng dami ng mga Pilipinong nagsidalo, mga taga-bansang Kenya ang nag-uwi ng mga tropeyo.

Si Vincent Chepsiror ay nagtala ng 2:25:43 finish time. Sinundan siya ni Johnson Tarus na nagtala ng 2:27:05, habang si Kiberess Kember naman ay pumangatlo sa 2:27:17.

Ang marathon ay umikot sa siyam na tulay sa iba’t ibang panig ng Metro Manila kung saan matatanaw ang Ilog Pasig.

Ang Ilog Pasig ang nagsisilbing dugtungan ng Manila Bay at Laguna de Bay. Ang ilog ay ideneklarang isang patay na ilog ng mga tagasuring ekolohista mula sa Department of Environment and Natural Resources dahil sa tindi ng polusyon dito sa nagdaang 80 taon.

Ilang hakbang na rin ang isinagawa upang muling “buhayin” ang Ilog Pasig.

Isa na rito ang “Piso para sa Pasig” na pinangunahaan ng dating unang ginang na si Ming Ramos 1992 hanggang 1998.

Post new comment

  • Allowed HTML tags: <a> <em> <strong> <cite> <code> <ul> <ol> <li> <dl> <dt> <dd> <p> <br>

More information about formatting options

User login

Recent comments

Disclaimer

Readers' comments posted in this site do not necessarily reflect the editorial position of the Varsitarian. The Varsitarian does not knowingly publish false information and may not be held liable for the views of readers exercising their right to free expression.