Pagkamatay ng sarsuela

  • warning: substr() expects parameter 3 to be long, string given in /home/varsinet/public_html/sites/all/modules/link/link.inc on line 111.
  • warning: substr() expects parameter 3 to be long, string given in /home/varsinet/public_html/sites/all/modules/link/link.inc on line 111.
  • warning: substr() expects parameter 3 to be long, string given in /home/varsinet/public_html/sites/all/modules/link/link.inc on line 111.
  • warning: substr() expects parameter 3 to be long, string given in /home/varsinet/public_html/sites/all/modules/link/link.inc on line 111.
  • warning: substr() expects parameter 3 to be long, string given in /home/varsinet/public_html/sites/all/modules/link/link.inc on line 111.

“LAOS na ang tanghalan. Iba na ang uso ngayon,” wika ng kaibigan ni Valentin, ang pangunahing tauhan sa sarsuelang Ang Palasyo ni Valentin ni Mario O’ Hara (UP Press, 2003).

Bahagi ng ating mayamang kultura ang sarsuela, isang uri ng dula na may halong musika. Kasama ng moro-moro at cenaculo, isa sa mga pinapahalagahang anyo ng dula noong panahon ng Kastila ang sarsuela. Dinala at pinauso ng mga Kastila noong 1890 ang “zarzuela” sa Pilipinas at ‘di kalaunan, hinaluan ito ng katutubong elemento ng mga Pilipino. Nahilig ang mga Pilipino sa sarsuela, dahil tinatalakay nito ang kasalukuyang usapin noon sa lipunan at mga ordinaryong karanasan ng mga Pilipino. Ngunit unti-unti itong nasapawan ng mga bodabil at pelikula nang dumating ang mga Amerikano.

Entablado ng pagkukunwari

Ang sarsuelang Ang Palasyo ni Valentin ni Mario O’ Hara, kagaya ng mga sarsuela noon, ay tungkol sa buhay at kasaysayan ng isang taong nabuhay sa pagkukunwari upang matakasan ang masakit na nakalipas at ang pagkakaiba ng status sa lipunan bilang hadlang sa pag-iibigan nila at ni Diding.

Nanalo ng unang gantimpala sa kategoryang sarsuela sa Centennial Literary Prize noong 1998 ang Palasyo. Itinanghal ito ng Dulaang UP noong 1999.

Ipinakita ni O’ Hara ang mga karanasan ni Valentin, mula sa kanyang pagkabata hanggang sa kanyang pagtanda sa Palacio, isang teatrong nagpapalabas ng sarsuela, bodabil at pelikula. Sa Palacio unang natutong magmahal at masaktan si Valentin, mabuhay dahil sa pangako ng pag-ibig, at mamatay sa pagkawala nito.

Nagbubukas ang Palasyo sa tuwing natatapos ang huling palabas, nag-uuwian na ang mga tao, at nagmumuni-muni si Valentin ng kanyang nakaraan.

Mararamdaman ng mambabasa ang sakit ng pangungulila sanhi ng mahusay na paggawa ng diyalogo. At kahit pa mabigat ang tema, inihain ito sa paraang magaan.

Sinalamin din ni Valentin ang pagnanasa sa nawalang kultura ng sarsuela at teatro.Tulad ng buhay niya, naging makulay ngunit maikli ang buhay ng sarsuela sa Pilipinas.

Sarsuela sa Kasalukuyan

Sa kasalukuyang panahon, kakaunti na lamang ang nagtatanghal ng sarsuela dahil sa pagkahumaling ng mga Pilipino sa pelikula ng ibang bansa. Ayon kay Dr. Rustica Carpio, ang punong-abala ng President’s Committee on Culture, “bibihira na lamang ang revival ng sarsuela dahil ang usong-uso ipinapalabas ngayon yung modern plays at kakaunti na lamang sa mga kabataan ngayon ang may gusto nito.”

Para kay Dr. Carpio, ang pagdating ng teknolohiya pati na rin ang malakas na impluwensiyang iniwan ng mga Amerikano ay mga dahilan kung bakit unit-unti nang nawawala ang kultura ng sarsuela. Kawalan ng kapital ang isa ring nakikitang dahilan.

“Magastos maglabas ng sarsuela. Wala ring gaanong negosyante ang gustong mag-sponsor ng ganito dahil walang pera sa pagpapalabas ng sarsuela.” Dagdag pa niya, “kung meron lamang itong kapital, mabubuhay pa rin ang sarsuela dahil maraming magagaling na talents dito sa Pilipinas.”

Ginamit din ang sarsuela noong panahon ng mga Amerikano bilang ekspresyon ng kanilang pagtutol sa mga Amerikano. Isang halimbawa nito ang “Walang Sugat” ni Severino Reyes. Samantala, noong panahon ng mga Hapon nawala ang sarsuela. Pawang mga English plays ang pinalabas sa mga entablado.

Inihayag ni Dr. Carpio ang kalungkutan sa unti-unting pagkawala ng minsang makulay na kultura ng sarsuela. “Kung merong lang tiyempo ang mga tao, dapat binubuhay nila ang bahagi ng kultura natin na namamatay na,” sabi ni Dr. Carpio.

Upang buhayin ang industriya, ang CCP noong panahon ni Marcos at mapasa-hanggang ngayon, nagtatanghal ng mga sarsuela at nagbebenta pa ng mga tapes ng mga ito.

Kaunti na rin ang nagsusulat ng sarsuela. Isang dahilang nakita ni Dr. Carpio dito ang impluwensiya ng wikang iniwano ng mga Amerikano. Maaari rin dahil sa hindi na ito kilala sa publiko, kaya nakikita ng mga manunulat na hindi ito tatangkilikin ng mga tao. Malimit din ang impresyon ng sarsuela sa atin ay nakakabagot kumpara sa mga nakakaengganyong pelikula at dula ng ibang bansa.

Laos man ang persepsyon ng karamihan sa mga sarsuela, ang mga theater groups tulad ng UP at PUP, ay patuloy pa rin sa pagtatanghal.

Marahil, babalik muli ang kultura ng sarsuela kung ang mga tao ay magkakaroon ng interes dito at ang mga negosyante naman mamumuhunan upang may mapanood at maipakilala sa mga susunod pang henerasyon. B. G. Irinco

Tomo LXXVII, Blg. 3 • Agosto 6, 2005

Post new comment

  • Allowed HTML tags: <em> <strong> <cite> <code> <ul> <ol> <li> <dl> <dt> <dd> <p> <br> <iframe>
  • Lines and paragraphs break automatically.

More information about formatting options

Literary

User login

Recent comments

Disclaimer

Readers' comments posted in this site do not necessarily reflect the editorial position of the Varsitarian. The Varsitarian does not knowingly publish false information and may not be held liable for the views of readers exercising their right to free expression.