HINDI maipagkakait na mababa ang pagtingin ng ibang tao sa mga Tagalog romance pocketbooks maliban sa mga bumabasa nito. Masasabing “cheap” ang mga ito dahil nabibili ito sa mga tiangge at narerentahan.
Samantala, sa kabila ng lahat ng pagsisikap na matamo ang paghanga mula sa mambabasa ano man ang estado ng buhay, hindi maiiwasan ang mga kritiko sa paggamit ng wikang “Taglish” o “Engalog” at pagsulat ng nobela dagdag pa ang stigma sa lipunan na ang mga ito ay para sa mga nabibilang sa mababang uri ng lipunan.
Ani Roberto Ampil, isang guro ng Filipino sa Faculty of Arts and Letters, karamihan ng kabataang kaniyang nakasalamuha ay nahihiyang aminin na nagbabasa sila ng mga pocketbooks. read more »
SAAN nga ba nagkakasalubong ang klasikal at popular sa mundo ng panitikan?
Ang puwang na namamagitan sa dalawang ito ang naging pokus ng Literature from Shakespeare to Bob Ong: Bridging the Divide Between the Popular and the Canonical na ginanap sa Thomas Aquinas Research Complex (TARC) noong Agosto 17 at 18.
Sa pamumuno ng palimbagang Visual Print Enterpise (Visprint) at tulong ng Department of Literature, Literary Society, Thomasian Writer’s Guild at ng Varsitarian, nagsama-sama ang mga kilalang Pilipinong manunulat at kartunista upang magbahagi ng kanilang mga saloobin at kaalaman ukol sa sining ng pagsusulat at pagguhit, lalo na’t sa koneksyon nito sa canon, ang grupo ng mga klasikong akdang kinikilala pa rin hanggang sa kasalukuyan. read more »
Readers' comments posted in this site do not necessarily reflect the editorial position of the Varsitarian. The Varsitarian does not knowingly publish false information and may not be held liable for the views of readers exercising their right to free expression.
Recent comments
22 hours 52 min ago
1 day 15 hours ago
1 day 22 hours ago
1 day 22 hours ago
1 day 23 hours ago
2 days 13 hours ago
2 days 14 hours ago
3 days 5 hours ago
4 days 17 hours ago
5 days 13 hours ago