'Prinsipe ng mga Pilipinong manlilimbag'

KILALA si Tomas Pinpin bilang “Prinsipe ng mga Pilipinong Manlilimbag” dahil sa naiambag nito sa pag-iimprenta ng aklat sa Pilipinas. At alam ba ninyo na ang isa sa mga makinaryang nagamit niya sa paglilimbag ay minsang ginamit rin ng Unibersidad?

Mula sa ideya ni Padre Francisco Blancas de San Jose, O.P. at sa tulong ni Juan de Vera, nabuo ang kauna-unahang typography machine o makinaryang pang-imprenta dito sa bansa. Naging matagumpay ang pagkopya nila sa mga makinaryang nanggaling pa sa Europa, gaya ng ginagamit noon sa mga bansang Hapon at Tsina, at hindi na kinailangan pa ang pag-angkat ng mga ito. Pinaniniwalaang nabuo ang nasabing makinarya sa isang Dominikanong simbahan sa Binondo noong 1602.

At noong 1610, dinala sa Bataan ang makinarya at doon inilimbag ang librong Arte y Reglas de la Lengua Tagala ni Padre Blancas at ng bago nitong manlilimbag na si Pinpin.

Mula Bataan, nilibot nila ang buong Luzon upang manlimbag ng mga aklat, nobena, at katekista. Kabilang sa mga pinuntahang lugar ay ang bayan ng Pila sa lalawigan ng Quezon at Bacolor sa Pampanga. Matapos ang pag-iikot sa mga bayan at lalawigan, muli silang nagbalik sa Maynila at nanatili sa Binondo. At noong 1625, nagkaroon ng permanenteng tahanan ang makinarya sa noo’y Colegio de Santo Tomas na nang lumao’y naging Unibersidad. Mula noon, naging kilala ito bilang UST Press.

Kabilang sa mga inilimbag na aklat ay ang Historia de la Provincia del Santo Rosario de Filipinas noong 1640 ni Padre Diego Aduarte, O.P. Kinilala ang aklat na ito bilang “best printed book of the 17th century” ng samahang Dominican Missions in the Far East.

Matatagpuan ang replika ng nasabing makinarya sa loob ng UST Museum of Arts and Sciences at ang mga aklat naman ay sa Filipiniana at Archives Section ng UST Central Library. Ayon kay Fr. Fidel Villarroel, O.P., archivist ng UST , walang iba pang printing press sa buong mundo ang nanatiling nakabukas ng araw-araw sa loob ng 392 taon, maliban na lang noong 1994 kung saan dumaan sa ilang pagbabago ang UST Press at naging UST Publishing House.

Tomasalitaan:

lutad- (pang-uri) lamog, gasgas, o gamit na.

Dahil sa madalas na pagtakbo, lutad na ang mga sandalyas niya.

Mga Sanggunian:

UST Museum of Arts and Sciences

Archives Section, UST Central Library

Tomo LXXIV, Blg. 4 • Agosto 30, 2002

Post new comment

  • Allowed HTML tags: <em> <strong> <cite> <code> <ul> <ol> <li> <dl> <dt> <dd> <p> <br> <iframe>
  • Lines and paragraphs break automatically.

More information about formatting options

User login

Recent comments

Disclaimer

Readers' comments posted in this site do not necessarily reflect the editorial position of the Varsitarian. The Varsitarian does not knowingly publish false information and may not be held liable for the views of readers exercising their right to free expression.