Mga liwasan sa loob ng UST

  • warning: substr() expects parameter 3 to be long, string given in /home/varsinet/public_html/sites/all/modules/link/link.inc on line 111.
  • warning: substr() expects parameter 3 to be long, string given in /home/varsinet/public_html/sites/all/modules/link/link.inc on line 111.
  • warning: substr() expects parameter 3 to be long, string given in /home/varsinet/public_html/sites/all/modules/link/link.inc on line 111.
  • warning: substr() expects parameter 3 to be long, string given in /home/varsinet/public_html/sites/all/modules/link/link.inc on line 111.

Dibuho ni Rey Ian M. CruzMISTULANG malaking liwasan ang 21-hektaryang kampus ng UST ilang dekada na ang nakararaan dahil sa iba’t-ibang liwasan at hardin na makikita rito.

Bubungad mula sa España Boulevard ang Plaza Intramuros na binubuo ng Arch of the Centuries at ng dalawang fountain na may mga rebulto ng babae na kumakatawan sa karunungang pantao at pananampalataya. Ideya ito ng noo’y rektor P. Jeses Castañon, O.P.

“Lovers’ Lane” naman ang tawag sa daan mula rito hanggang sa Plaza Benavides kung saan makikita ang rebulto ni Miguel de Benavides, ang pundador ng UST.

Sa tabi ng Santisimo Rosario Parish makikita ang Botanical Garden na may malawak na koleksyon ng mga halamang gamot. Una itong tinawag na Pharmacy Garden dahil na rin sa pinasimulan itong gawin ni P. Lorenzo Rodriguez, noo’y dekano ng Faculty of Pharmacy. Taong 1977 sa ilalim ng pamumuno ng unang Filipinong rektor na si P. Leonardo Legaspi, O.P. nang magbagong anyo ang hardin upang maging pang-botaniko.

Marami rin ang tumatambay sa mga bench sa Plaza Calderon sa tapat ng UST Gym. Ngunit kumpara noon, mas kakaunti ngayon ang mga ito dahil kinailangang gibain ang ilan dito para magtayo ng mga pasilidad at gusaling tutugon sa mga pangangailangan ng Unibersidad.

Ang kinatatayuan naman ngayon ng Central Library ang dating kinatitirikan ng unang Tinoko Park habang minsan namang naging tambakan ng basura ang kasalukuyang Tinoko Park sa tabi ng St. Raymund’s Building na paboritong lugar para sa mga pagpupulong at bazaar. Lingid sa kaalaman ng iba, Peñafort Mall ang orihinal nitong pangalan ngunit pinalitan ito bilang pagkilala sa nangasiwa ng pagpapagawa nito na si P. Jose Tinoko, na dating ingat-yaman ng Unibersidad. Dinisenyo ito ng noo’y dekano ng arkitektura, Jose Pardo.

Pinalitan naman ng kasalukuyang Quadricentennial Park ang Colayco Shrine na itinayo bilang pagpupugay kay Manuel Colayco, isang sundalo at alumno ng Faculty of Civil Law na nabaril ng mga Hapon habang pinapangunahan niya ang mga puwersang Amerikano sa pagtatangka nitong lusubin ang UST concentration camp noong 1945. Yari ni Virginia Ty-Navarro ang rebulto ni Colayco na nakatirik noon sa liwasang ito na nagsilbing paboritong pagdausan ng mga programa at konsiyerto.

Kasabay ng paggawa sa Quadricentennial Park ang pagtatayo ng UST-Tan Yan Kee Student Center na nakatirik ngayon sa dating kinalalagyan ng mga estatwa nina San Lorenzo Ruiz at ng siyam pang mga Dominikong martir. Ginawa ang mga monumento noong panahon ng rektor P. Norberto Castillo, O.P. sa disenyo ni propesor Leonardo Hidalgo. Nakatakdang itayo muli ang mga estatwa sa harapan ng UST Chapel sa susunod na taon.

Tomasino siya

Taong 1931 nang simulan ang konstruksiyon ng gusali ng Central Seminary na dinisenyo ng Tomasinong si Fernando Ocampo.

Isinilang noong Agosto 7, 1897 sa San Fernando, Pampanga, nagtapos si Ocampo ng Bachelor of Arts sa Ateneo de Manila University noong 1914 at ng civil engineering sa UST noong 1919. Matapos nito ay nagpasya siyang kumuha ng arkitektura sa University of Pennsylvania.

Kumuha rin siya ng advanced studies sa arkitektura sa Roma noong 1922 bago bumalik sa Pilipinas nang sumunod na taon upang magtrabaho sa noo’y Bureau of Public Works.

Isa si Ocampo sa mga nagtatag ng lumang College of Architecture and Fine Arts noong 1930 kung saan siya naging puno ng kagawaran ng arkitektura. Naging miyembro rin siya ng Board of Examiners for Architects sa Maynila mula 1929 hanggang 1930.

Siya ang nanguna sa pagtatayong muli ng Manila Metropolitan Cathedral (ngayo’y Minor Basilica of the Immaculate Concepcion) na nasunog noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ilan pa sa kaniyang mga likha ay ang gusaling Cu Un Jieng sa Escolta, Sacred Heart Novitiate sa Novaliches, at Assumption Academy of Pampanga.

Tinanggap ni Ocampo ang Gold Medal of Merit mula sa Philippine Institute of Architects noong 1953 bilang pagkilala sa kaniyang kontribusyon sa larangan ng arkitektura.

Pumanaw si Ocampo noong Mayo 10, 1984 sa edad na 86.

Tomasalitaan:

Ba-ta-win (pnd) –  ilista ang utang

Halimbawa: Batawin mo ang aking napamili at magbabayad ako bukas. 

Mga Sanggunian:

The Varsitarian: Tomo 63 Blg. 4 at 5, Setyembre 17 at Nobyembre 5, 1991

Castro A.R. (July 7, 2008). Power Couple: Arch. Fernando H. Ocampo and Lourdes M. Luciano. http://viewsfromthepampang.blogspot.com

Torres, J.V.Z. (2007). In Transition: the University of Santo Tomas during the American colonial period (1898-1935). UST Publishing House

Post new comment

  • Allowed HTML tags: <em> <strong> <cite> <code> <ul> <ol> <li> <dl> <dt> <dd> <p> <br> <iframe>
  • Lines and paragraphs break automatically.

More information about formatting options

User login

Recent comments

Disclaimer

Readers' comments posted in this site do not necessarily reflect the editorial position of the Varsitarian. The Varsitarian does not knowingly publish false information and may not be held liable for the views of readers exercising their right to free expression.