'Cinderella story' ng UST sa UAAP basketball

  • warning: substr() expects parameter 3 to be long, string given in /home/varsinet/public_html/sites/all/modules/link/link.inc on line 111.
  • warning: substr() expects parameter 3 to be long, string given in /home/varsinet/public_html/sites/all/modules/link/link.inc on line 111.
  • warning: substr() expects parameter 3 to be long, string given in /home/varsinet/public_html/sites/all/modules/link/link.inc on line 111.
  • warning: substr() expects parameter 3 to be long, string given in /home/varsinet/public_html/sites/all/modules/link/link.inc on line 111.
  • warning: substr() expects parameter 3 to be long, string given in /home/varsinet/public_html/sites/all/modules/link/link.inc on line 111.

NOON pa man, namamayagpag na ang UST sa larangan ng palakasan.

Bago pa man maitatag ang University Athletics Association of the Philippines (UAAP), kabilang ang UST, kasama ang University of the Philippines at National University, sa “Big Three League” noong unang bahagi ng dekada ’30. Mula taong 1931 hanggang 1934, hinirang ang UST Glowing Goldies (na ngayo’y Growling Tigers) na kampeon sa men’s basketball sa pangunguna ni Herminio Silva, noo’y miyembro ng RP Team na lumaban sa Far Eastern Games nang taong 1934 at naging tagasanay rin ng Goldies.

Sa kasikatan ng liga, isinilang ang UAAP noong 1938 kasama ang Far Eastern University bilang ika-apat nitong miyembro. FEU rin ang itinanghal na kampeon sa basketball sa pagbubukas ng UAAP.

Nang sumunod na taon, nakamit ng Glowing Goldies ang kanilang unang kampeonato. Sa isang hindi-inaasahang pangyayari, pinaghatian ng mga koponan ng UST, UP at FEU ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos silang magtabla.

Walang nag-akalang makakatuntong ang Goldies sa huling yugto ng paligsahan. Ito ay dahil sa hindi maganda ang ipinakitang laro ng koponan sa unang yugto ng palaro na nagdulot ng kawalan ng mga taga-hanga at taga-suporta nito. Ang mahinang loob din ng mga manlalaro ang nagtulak sa noo’y tagasanay nitong si Jose Rodriguez para iwanan sila. Agad naman siyang pinalitan ni Silva, na noo’y tagapamahala ng UST Gymnasium.

Iba’t-ibang pagsasanay ang ipinagawa ni Silva sa mga manlalaro. Kasama na rito ang mga bagong estratehiya sa pakikipagtunggali sa loob ng court. Bunga ng matinding pagsasanay, mas matibay, mas magaling at punung-puno na ng lakas ng loob na mga basktetbolistang Tomasino ang napanood sa ikalawang bahagi ng paligsahan.

Naging mabagsik na sentro ng Goldies ang dating bugnuting guwardiya ng court na si Fajardo Vertil. Naging mas matulin naman ang maliit na forward na si Pacifico Arsenio, habang ang dating numero unong sentro na si Salvador Siao ay naging maaasahang forward. Naging matatag at mahinahong guwardiya naman si Enrique Novales. Marami rin ang nakapansin sa galing sa pagdadala ng bola ng kapitan ng koponan na si Gabriel Fajardo.

Maganda ang ibinunga ng paggabay ni Silva sa koponan. Nagawang ilampaso ng Goldies ang FEU, NU at UP na nagbigay daan sa 4-2 na pangkahalatang puntos ng UST para mapantayan ang FEU at UP.

Dahil sa sunod-sunod na mga gawaing pampalakasan noong taong iyon, napagdesisyunan ng mga tagapamahala ng UAAP na tanghaling triple-tie champions ang FEU, UP at UST.

Dala na rin ng magandang pagsasanay, naiuwi ng Goldies ang kampeonato nang sumunod na taon nang walang kahati sa titulo.

Maihahalintulad sa nangyari noong 1939 ang pagkapanalo ng Growling Tigers laban sa Ateneo Blue Eagles noong 2006 upang maiuwi ang kampeonato. Iinilarawan bilang “Cinderella Story” ang naging laro ng UST mula umpisa hanggang sa maging kampeon sila. Hindi naging maganda ang ipinakita nila noong simula, ngunit sa paggabay ni Pido Jarencio na naglayong buhayin ang apoy sa damdamin ng mga basketbolistang Tomasino, naghari ang UST laban sa Ateneo sa ikalawa’t ikatlong laro ng best-of-three finals series.

Sa kabuuan, ang UST ay nagkamit na ng 19 na unang titulo sa UAAP men’s basketball team. Ang UST lamang din, sa buong kasaysayan ng UAAP, ang nakapagkamit ng tatlong titulo ng kampeonato sa lahat ng dibisyon ng basketball sa loob lamang ng isang taon. Naging kampeon ang Growling Tigers sa men’s division, UST Tigresses sa women’s division at UST Tiger Cubs sa juniors’ division noong 1994.

Bilang patunay sa pamamayagpag nito, nangunguna rin ang UST sa listahan ng over-all championship ng UAAP. Unang beses makamit ng UST ang titulo noong 1958 at sa kasalukuyan, may hawak na itong 36 na titulong pangkalahatang kampeonato. Kacelyn Faye L. Paje

Tomasalitaan:

Sawong (pangngalan) – kubo o dampa sa bundok

Halimbawa: Tumuloy sila sa isang sawong nang abutan sila ng takipsilim sa pag-akyat ng bundok.

Sanggunian:

The Varsitarian: Tomo XII Blg. 17 Enero 25, 1940

The Varsitarian: Tomo LXIX Blg. 7 Nobyembre 13, 1996

The Varsitarian: Tomo LXXVIII Blg. 5 Oktubre 5, 2006

Post new comment

  • Allowed HTML tags: <em> <strong> <cite> <code> <ul> <ol> <li> <dl> <dt> <dd> <p> <br>

More information about formatting options

User login

Recent comments

Disclaimer

Readers' comments posted in this site do not necessarily reflect the editorial position of the Varsitarian. The Varsitarian does not knowingly publish false information and may not be held liable for the views of readers exercising their right to free expression.