Ang ‘Soli’ sa panahon ng mga Kastila

  • warning: substr() expects parameter 3 to be long, string given in /home/varsinet/public_html/sites/all/modules/link/link.inc on line 111.
  • warning: substr() expects parameter 3 to be long, string given in /home/varsinet/public_html/sites/all/modules/link/link.inc on line 111.

BINALIKAN ni Jose Victor Torres, professorial chair for Rizaliana-studies ng De La Salle University, ang kasaysayan ng La Solidaridad o ‘Soli’ sa pagbabahagi ng kaniyang saliksik na “Our Little Newspaper: The La Solidaridad and Philippine Journalism in Spain (1889-1895)” noong ika-7 ng Marso sa DLSU, Maynila.

Ayon kay Torres, malaki ang ginampanan ng Soli sa kasaysayan ng Pilipinas, ngunit hindi buo ang kuwento ng pahayagan kaya’t napili niyang pag-aralan ang pinagmulan, katapusan, at lahat ng nakapagitna sa buhay ng pahayagang nagbigay boses sa mga Pilipinong naghangad ng pagbabago noong panahong sakop tayo ng mga Espanyol.

“Its (Soli) history could be followed through the letters of its staff and contributors,” ani Torres. “Specimens that were in the National Library of the Philippines during the American period were destroyed during World War II. A few issues were discovered in 2011 in the University of Santo Tomas Archives by its archivist, Regalado Trota-Jose.”

Kabilang sa kaniyang pananaliksik ang mga liham ni Jose Rizal sa Epistolario Rizaliano na may limang tomo at Marcelo H. del Pilar sa Epistolario del Marcelo H. del Pilar na may dalawang tomo, at iilan pang liham nina Mariano Ponce at Graciano Lopez Jaena.

Ang simula ng Soli

“In the 19th century, the Spanish government was a constitutional monarch with a Spanish Cortes that represented the Spanish provinces,” ani Torres.

Ngunit dahil sa kalayuan ng Pilipinas mula sa Espanya ay kadalasang walang kumakatawan sa bansa sa Spanish Cortes. Dito nagmula ang pagtataka ng mga Pilipino, at ang paghahangad ng pagkakapantay-pantay.

“The enlightened Filipinos became aware that the fight for nationalism and equality was not to be fought in their own country but in the land of their colonial masters,” ani Torres.

Ayon kay Torres, mababasa sa liham ni Teodoro Agoncillo na “The rich and the intellectuals then, were reformers, not revolutionists, for the believed in the power of words, and not of the sword, to achieve their purpose.”

Ang bunga ng mga paniniwalang ito ay ang pahayagang La Solidaridad noong Pebrero 15, 1889 sa Barcelona na pinamunuan nina Galicano Apacible, Jose Ma. Panganiban, Pablo Rianzares Bautista, Santiago Icasiano, Ponce, pinaka-aktibong nanguna, at Lopez Jaena, itinalagang direktor. Ang bawat nabanggit ay nag-ambag ng pondong ginamit sa kabuuang gastusin ng Soli.

Ang hitsura’t mga naging suliranin ng Soli

Ang Soli ay isang tabloid at hindi broadsheet; May sukat itong 20.5 x 28 cms o sinlaki ng kasalukuyang short bond paper. Ang mga balita’y nakaimprenta sa dalawang haligi. Paminsa’y mayroong mga nakaguhit na matatagpuan lamang sa unang pahina. Nagsimula at madalas na ilathala ang Soli nang mayroong 12 na pahina ngunit mayroong mga pagkakataong sumusobra ito mula 16 na pahina at higit pa.

Mababasa sa unang pahina ng Soli ang kanilang layunin: “The aims, therefore, of La Solidaridad are defined: to gather, to collect liberal ideas which are daily exposed in the camp of politics, in the fields of science, arts, letters, commerce, agriculture, and industry.”

Mula Rambla de Cataluna, Barcelona, nagpalipat-lipat ng palimbagan ang Soli—Tipografia de Jaramillo y Compania, Barcelona, Progreso Tipografico. Madrid, at Tipografia de Madrid. Ang Imprenta de Diego Pacheco del Dos de Mayo 5 ang huling palimbagan ng naturang tabloid.

“Expenses and the dependability of available funds from contributors forced the staff to change offices and printing shops,” ani Torres.

Katunayan, nagsimula ang Soli na maglathala bilang bi-monthly at ‘di naglaon, naging buwanan na lamang at nang tumagal pa ay dumalang na. Sa mga naunang buwan, mayroong kabuuang 18 pesos na gastos ang pagpapalimbag ng Soli na kalauna’y tumaas sa 120 pesos.

Hindi pa kabilang sa nasabing gastos ang bayad sa bahay na tinutuluyan, sahod, at iba pang gastos sa pagsusulat ng mga manunulat.

“The shortness of funds would sometimes be so serious that in one letter to Rizal in 1891, Antonio Luna, who was hired by the newspaper as a correspondent, would complain that he had not been promoted or paid sufficiently by the newspaper,” ani Torres.

Ang wakas

Sa pagtapak ng Soli sa kanilang ikapitong taon sa paglalathala ng karapatan sa kalayaan, hinarap din nito ang kanilang pagtatapos.

Nang mabuwag ang La Liga Filipina, samahan ng mga repormista at nagbibigay ng salapi sa Soli, nahati ang mga miyembro nito sa dalawang grupo—Cuerpo de Compromisarios at ang Katipunan.

Ipinagpatuloy ng Compromisarios ang tulong pinansiyal sa Soli ngunit hindi sumasapat ang nakakalap nito at tuluyan nang naapektuhan ang pagpapalimbag ng pahayagan.

Nakasaad sa isang liham ni Apolinario Mabini, kalihim ng Compromisarios sa Maynila, kay Del Pilar noong Agosto 19, 1895: “I regret very much to be the person to inform you that the moment I have feared has come when the publication of the newspaper La Solidaridad has to stop. The efforts of a few could not prevail against the belief of the many that the newspaper is useless since the authorities refused to listen to its clamors for help. This is the reason why we cannot send you any amount this month. They make use of any pretext for not giving money. It is not now possible to support the paper.”

Ani Torres, “The last issue of the La Solidaridad on November 15, 1895 was a mere ghost of its glory as the newspaper of the reformists.”

Ang huling limbag ng Soli ay mayroon lamang walong pahinang nagloloob ng artikulo nina Del Pilar, Andres de Garchitonera, at Juan Serrano Gomez.

Ayon kay Torres, tatlong salik ang nagpatumba sa Soli; Bukod sa hindi sapat na salapi, nakaapaekto rin sa pahayagan ang mahigpit na pagbabantay ng mga Espanyol sa bansa kaya paliit nang paliit ang nasasaklaw nilang mambabasa at ang huli, ang ‘di pagkakasundo nina Rizal at del Pilar sa paraan ng pamumuno sa mga repormista.

Post new comment

  • Allowed HTML tags: <em> <strong> <cite> <code> <ul> <ol> <li> <dl> <dt> <dd> <p> <br>

More information about formatting options

User login

Recent comments

Disclaimer

Readers' comments posted in this site do not necessarily reflect the editorial position of the Varsitarian. The Varsitarian does not knowingly publish false information and may not be held liable for the views of readers exercising their right to free expression.