Si Jose Rizal bilang isang Tomasino

  • warning: substr() expects parameter 3 to be long, string given in /home/varsinet/public_html/sites/all/modules/link/link.inc on line 111.
  • warning: substr() expects parameter 3 to be long, string given in /home/varsinet/public_html/sites/all/modules/link/link.inc on line 111.
  • warning: substr() expects parameter 3 to be long, string given in /home/varsinet/public_html/sites/all/modules/link/link.inc on line 111.
  • warning: substr() expects parameter 3 to be long, string given in /home/varsinet/public_html/sites/all/modules/link/link.inc on line 111.
  • warning: substr() expects parameter 3 to be long, string given in /home/varsinet/public_html/sites/all/modules/link/link.inc on line 111.

“KINAMUMUHIAN ni Dr. Jose Rizal ang UST.”

Ito ang palasak na paniniwalang sinikap baguhin ni P. Fidel Villaroel, O,P., katuwang na archivist ng UST sa kanyang akdang Rizal and the University of Santo Tomas (UST Press, 1984).

Nag-ugat ang perspektibong ito sa isang kabanata ng El Filibusterismo ni Rizal kung saan ipinakita ang paglayas ni Placido Penitente, esudyante ng UST, sa isang klase sa Pisika matapos siyang pag-initan ng kanyang propesor na si Padre Millon.

Ayon kay Villaroel, bagaman malalim ang pinaghuhugutan ng El Filibusterismo sa kasaysayan, kailangang alalahanin na isinulat ni Rizal ang nobela sa panahon kung kailan ang mga paring Dominikano ay pilit na kinukuha ang kanilang lupa sa Calamba, Laguna.

“Nobody can prove nor deny that Placido’s unhappy experience in the classroom is based on some historical event. But let it be stressed at the outset that however historical this character may be, Placido cannot stand for Rizal nor for any of the classmates of Rizal,” ani Villaroel sa kanyang libro.

“Secondly, many biographers, presuming the histrocity of the incident of the Physics class, easily judge the whole University in the nineteenth century on the basis of that incident, which is a very poor and unfair conclusion,” dagdag pa ni Villaroel.

Ngunit mahigit isang dekada na ang lumipas, tila hindi pa rin nababago ang paniniwalang ito.

Sinabi ng mag-amang mananalaysay na sina Gregorio at Sonia Zaide sa kanilang librong Jose Rizal: Buhay, mga Ginawa at mga Sinulat ng isang henyo, manunulat, siyentipiko at pambansang bayani (All Nations Publishing Co., Inc., 1999) na kinamuhian nga ni Rizal ang UST.

“Sa kanyang nobelang El Filibusterismo, inilarawan ni Rizal kung paano hiyain at insultuhin ng mga Dominikong propesor ang mga estudyanteng Pilipino,” anila sa libro.

Pagdating ni Rizal sa UST

Matapos mag-aral ng mga kursong humanistiko sa Ateneo de Manila, nakakuha ng diploma sa Bachiller en Artes si Rizal bago pa man siya nakapag-aral sa UST, sa tulong ng dalawang Dominikanong pari. Lahat ng mga paaralan noong panahong iyon ay kunektado sa UST, ang tanging unibersidad na may kapangyarihang magbigay ng degree sa mga estudyante.

Matapos mag-aral sa Ateneo, itinuloy ni Rizal ang kanyang pag-aaral sa UST noong 1877 sa kursong Pre-Law, na mas kilala bilang Metaphysics, dahil na rin sa kagustuhan ng kanyang ama.

Sa kanilang libro, sinabi nina Zaide na kaya lang pumasok sa UST si Rizal ay dahil hindi pa raw siya sigurado sa kursong kukunin. Humingi si Rizal ng tulong kay P. Pablo Ramon, rektor ng Ateneo, ngunit hindi siya napayuhan nito agad kaya’t itinuloy niya na ang pag-aaral ng Metaphysics sa Unibersidad.

Sa kabila ng pagtutol ng ina na bumalik siya sa Maynila, ipinagpatuloy ni Rizal ang pag-aaral sa UST kung saan siya kumuha ng Medisina sa kanyang ikalawang taon. Ang lumalabong paningin ng kanyang ina ang nagtulak kay Rizal para kunin ang kursong ito. Bagaman labag sa patakaran, nagkaroon siya ng pribilehiyong kumuha ng Pre-Medical Course o Ampliacion, kasabay ng kanyang unang taon sa Medisina.

Kailangan ng makatwirang dahilan para pahintulutan ng Gobernador-Heneral ang mga estudyanteng nais mag-aral ng dalawang kurso nang sabay. Hindi nasabi sa mga aklat kung ano ang dahilan ni Rizal para pahintulutan siya ng Gobernador-Heneral, ngunit ayon kay Villaroel sapat na ito para sabihing hindi umalis si Rizal dahil sa naranasan niyang “malawakang panlalait, diskriminasyon, at pagkapoot sa Unibersidad ng Santo Tomas” tulad ng sinabi nina Zaide.

Sa pagpasok niya sa Medisina, hindi masyadong naipamalas ni Rizal ang kanyang katalinuhan, hindi gaya noong siya’y kumukuha pa ng kursong Metaphysics. Dito marahil sinabing hindi naging maganda ang tingin sa kanya ng mga Dominikong propesor, ani Villaroel. Aniya, ang mababang pagtingin sa mga estudyanteng Pilipino noon at ang mapang-aping sistema ng pagtuturo sa Unibersidad ang nagtulak sa kanya upang lisanin ito.

‘Distractions of youth’

Isinisi ni Villaroel ang katamtamang grado ni Rizal sa Medisina sa “distractions of youth.” Ang pagkahaling ni Rizal sa pag-ibig niya kina Segunda Katigbak, Leonor Valenzuela at Leonor Rivera na pinagbuhusan niya ng atensyon at panahon, ang naging dahilan ng pagkawala ng kanyang pokus sa pag-aaral.

Bukod dito, hindi nawala sa puso ni Rizal ang pagmamahal niya sa sining at palakasan. Nagpatuloy siya sa pagsulat ng mga tula at nag-aral din siya ng oil painting at fencing pati na ng pagtugtog ng piano at pagkanta.

“My hand is shaking because I have just had a fencing bout; you know I want to be a swordsman,” aniya sa kanyang liham para sa isang kaibigan.

Sa kanya namang ikatlong taon sa Medisina, sumali si Rizal sa patimpalak na inorganisa ng Liceo Artistico – Literario de Manila gamit ang kanyang akdang El Consejo de los Dioses. Nagtamo ng parangal ang prosang ito na tumutukoy sa kagalingan nina Homer, Virgil at Cervantes. Bagaman, hindi malinaw kung una o ikawalang premyo ang nakuha nito, dahil iba ang nakalagay sa diploma ni Rizal at sa dyaryong La Oceania Española na siyang sumubaybay sa patimpalak. Pito na lamang silang estudyante pagdating sa ika-apat na taon ni Rizal sa Medisina.

Sa kabuuan ng panahong kanyang ipinamalagi sa Unibersidad, nagkamit siya ng mga sumusunod na grado: isang “Pasado,” walong “Mahusay,” anim na “Mahusay na mahusay” at anim na “Pinakamahusay.”

Ang Paglisan

Nagtungo si Rizal sa Espanya upang doon ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral ng Medisina.

“To win the best education his times and his means might allow; often the sage counsellor had told him to look abroad for that training, not at home” ani Charles Russel at Eulogio Rodriguez sa kanilang akdang The Hero of the Filipinos (1923).

Ngunit ayon kay Pablo Pastells, manunulat ng La Masonizacion de Filipinas (1897), isang propesor ang naging dahilan ng pagkadismaya ni Rizal kaya siya umalis. Sinabi ni Austin Craig sa Lineage, Life and Labors of Jose Rizal (1913) na isang paring propesor ni Rizal ang nagpahayag ng salungat na ideya sa librong kanilang ginagamit sa isang asignatura nang hindi man lamang ipinapaliwanag kung bakit siya tumaliwas dito. Dahil dito, naisip ni Rizal na nagsasayang lamang siya ng oras sa Unibersidad.

Muli itong kinontra ni Villaroel. Ayon sa kanya, kung susuriing mabuti ang mga dahilang ipinahayag ng ilang iskolar, nakabase ang kanilang mga konklusyon sa iilang bahagi lamang ng El Filibusterismo at hindi sa mga historikal na kaganapan.

Para naman kay Zaide, malaking bahagi ng dahilan ng paglisan ni Rizal ang kanyang “lihim na misyon.” Masusing pinag-aralan ni Rizal ang kultura, kaugalian, komersyo at pulitika ng Europa bilang paghahanda sa pagpapalaya sa Pilipinas mula sa pamamahala ng Espanya.

Pls don't stop people or institutions

Pls refrain from trying to stop people or institutions from writing about ideas or opinions as this is the reaon why we as a country remain underdeveloped. Masyado nating hina- hamper ang mga ideas ng mga iba as if we're always right and their ideas are inane or stupid. Just let them speak out their minds and read with an open mind rather than be hysterical when you don't concur with a different viewpoint. We also give the impression that we're intellectually arrogant by not having an open mind whenever we encounter differring ideas. Let's just all keep our cool as we express aggreement or disaggreement on certain matters brought into our attention.

"Please don't make any

"Please don't make any further issues regarding the matter" ...mahirap hindi pag-usapan kung naging masaya ba si Rizal sa UST o hindi kasi ginagamit din ng university si Rizal sa promotion (eg in instilling sense of belongingness to its students). kung ayaw natin na maging issue ito, the university should stop using the name of Rizal para wala ding magcomment kung naging masay na sya o hindi. Marami ng nagbago ngayon sa UST, we should be happy for these positive changes, pero it is unacceptable to change history...kalokohan yan. Rizal liked Ateneo better than UST.

A Piece of History

The Dominicans who were who maltreated Jose Rizal were the "Spanish" Dominicans. At present, almost 90% of the Dominicans were Filipinos. So meaning to say, the situation is different now compared during the Spanish era. I think UST is just clarifying some issues about Jose Rizal's relationship on UST. Please don't make any further issues regarding the matter

My Heart Goes Shalalala

Bale anong punto nito? Naghuhugas kamay ngayon ang mga mapanupil noon (hanggang ngayon)? Pero ang tanong ba ay kinamuhian nga ba ng UST si Rizal noon? Bakit hindi natin pinag-uusapan ang mga puntong inangat ng ating pambansang bayani sa sistema noon?

Post new comment

  • Allowed HTML tags: <em> <strong> <cite> <code> <ul> <ol> <li> <dl> <dt> <dd> <p> <br>

More information about formatting options

User login

Recent comments

Disclaimer

Readers' comments posted in this site do not necessarily reflect the editorial position of the Varsitarian. The Varsitarian does not knowingly publish false information and may not be held liable for the views of readers exercising their right to free expression.