ISANG mahalagang salik sa pag-unlad ng bansa ay ang pag-aaral ng sariling wika. Ito rin ay mahalaga para sa isang Unibersidad upang mapanatili ang pagpapayabong ng wikang Filipino sa loob ng mga akademikong institusyon. Ngunit paano kung kakaunti na lamang ang kumukuha at mismong nagbibigay ng kursong ito?
“Hindi kasi earning major ang Filipino, hindi katulad ng ibang major – sabihin [na] nating Science, Math, at English,” ani Beatriz Ribleza, guro ng Filipino sa College of Education.
Ito ang isa sa mga nakikitang dahilan ni Ribleza kung bakit unti-unting nawawala ang mga may interes na mag-major sa Filipino (BSE Filipino)—ang kawalan ng sapat na bilang ng mga mag-aaral sa isang kurso ang nagiging sanhi ng pagkatanggal nito. read more »
ROMANCE, comedy, horror, at fantasy sa iisang libro ng mga maiikling kuwento.
Sa kaniyang ikaapat na aklat na “Wag Lang ‘Di Makaraos: Mga Kuwentong Pasaway, Paaway, at Pamatay,” (Visprint, Inc., 2011) pinasok ni Eros Atalia ang isang panibagong mundo na malayo sa kaniyang naunang tatlong libro na pawang mga nobela.
Ang “‘Wag Lang ‘Di Makaraos” ay binubuo ng 100 dagli (“flash writing”)na nahahati sa sampung mga kategorya. Ang dagli ay isang uri ng pampanitikang Filipino na naglalarawan ng bagay, tao, o pangyayari sa maikling paraan at karaniwang ginagamitan ng talinghaga, siste, o satira. Mayroong iba’t ibang tema ang bawat kategorya gaya ng kababalaghan, pag-ibig, at pagtanda. read more »
SAAN nga ba nagmula ang bantog na rebulto ni Miguel de Benavides?
Nag-uugat ang kasaysayan ng monumentong ito ni Benavides noong ika-17 na siglo, kung kailan binalak ng mga Dominikano na gawing sementeryo ng orden at hardin ang bakanteng lote na noo’y hindi pa parte ng Unibersidad.
“Dahil sa balak na ito ng mga Dominikano, binili nila itong maliit na lupang ito noong 1627 hanggang sa binili rin nila ang isa pang lupa noong 1708 sa gilid ng gusali ng Colegio de Santa Rosa,” ani Jose Victor Torres, isang Tomasinong historyador at manunulat. read more »
Readers' comments posted in this site do not necessarily reflect the editorial position of the Varsitarian. The Varsitarian does not knowingly publish false information and may not be held liable for the views of readers exercising their right to free expression.
Recent comments
1 day 18 hours ago
2 days 20 hours ago
3 days 12 hours ago
1 week 15 hours ago
1 week 15 hours ago
1 week 18 hours ago
1 week 3 days ago
1 week 3 days ago
1 week 5 days ago
2 weeks 4 days ago