Features

Ang tahanan ng mga bayani

SIMULA nang maitatag ang Unibersidad ng Santo Tomas noong 1611, ‘di lamang ito naging saksi sa makulay na kasaysayan ng bansa. Naging tahanan rin ito ng mga taong sa kalaunan ay nagpasisimula ng pagbabago sa ating Inang Bayan.

Bahagi ng mahabang listahan ng matatagumpay na nagsipagtapos sa Unibersidad ang mga bayaning una nating nakilala sa mga aklat ng kasaysayan, at noong bata pa tayo’y inakala nating may-ari ng mga kalye’t daan na nakapangalan sa kanila, mga taong tinitingala at pinagkauutangan natin ng ating tinatamasang kalayaan.

Nakaukit sa kasaysayan

Isa sa mga pinakatanyag na Tomasino si Jose Rizal, na kumuha ng kursong Metaphysics (Pre-law) at Medisina matapos mag-aral sa Ateneo Municipal de Manila. read more »

Sa halalan, pag-asa at pagtulong

ISA SA mga pagpapatunay ng kalayaan sa isang bansa ang karapatan ng mga mamamayan na mamili at maghalal ng kanilang mga pinuno. Dahil sa pagboto nakasalalay ang pagsulong ng bayan, kung saan maigting na binabantayan ng mga mamamayan ang kanilang karapatan.

Sa Pilipinas diumano, kung saan diumano talamak ang pandaraya sa halalan at korupsyon sa pamahalaan, may mga organisasyong naninigurong magiging mapayapa at patas ang bawa’t eleksyon. Isa na rito ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV), ang tanging kinikilalang katuwang ng Commission on Elections (COMELEC) sa adhikaing ito.

Sa samahang ito natagpuan ng Tomasinong doktor na si Ricardo Ledesma ang panibagong paraan ng paglilingkod sa iba, bukod sa paggamot ng mga may sakit. read more »

Other Publications

User login

Recent comments

Disclaimer

Readers' comments posted in this site do not necessarily reflect the editorial position of the Varsitarian. The Varsitarian does not knowingly publish false information and may not be held liable for the views of readers exercising their right to free expression.