Setyembre 7, 2007

De La Rosa named acting rector

Azpiroz accepts resignations of top UST officials

Fr. Rolando V. De La Rosa, O.P. has been named acting rector of UST, following a directive from the head of the Dominican Order based in Rome for a "new leadership team" tasked to create a consensus on how to proceed with developments in the University and the UST Hospital.

The Prior Provincial of the Philippine Dominican Province, Fr. Edmund Nantes, O.P., who is also UST vice chancellor, has resigned along with Rector Fr. Ernesto Arceo, O.P., and Vice Rector Fr. Juan Ponce, O.P.

The resignations have been accepted by the Master of the Order of Preachers, Fr. Carlos A. Aspiroz Costa, O.P., according to a circular issued last September 11.

Fr. Azpiroz, who serves as grand chancellor of the University, is in Manila for a canonical visitation.  read more »

Tigers muling nanagpang

Kinapos sa Ateneo ngunit nilampaso ang UP; pagpasok sa Final 4 inaasahan

HINDI MAN nagawang segundahan ng UST Growling Tigers kanilang impresibong paglipol sa Ateneo de Manila University Blue Eagles sa unang round, bumangon naman ang mga ito upang muling durugin ang University of the Philippines (UP) Fighting Maroons, 80-61, noong Setyembre 3 sa Araneta Coliseum.

“Hindi ko na iniisip ang standings,” ani coach Pido Jarencio sa Varsitarian. “Basta kailangan manalo kami sa mga huling laro namin.”

Bunga ng panalong ito, nakamit ng Tigers ang ika-apat na pwesto patungo sa pagtatapos ng elimination round.

Gaya ng dati, muling nagrehistro si Jervy Cruz ng double-double output na 16 puntos at 14 rebounds, kabilang ang apat na assists at dalawang blocks, habang lumikom naman ng 16 puntos Espiritu mula sa kanyang mainit na four-of-six shooting sa three-point area.  read more »

UST judokas dehado pero may pag-asa

“IMPOSIBLE” ang salitang nakahiligan nang hamakin ng UST Tiger Judokas sa UAAP simula pa nang lumahok ito sa torneo noong 1996.

Ngunit ngayong Season 70, magawa pa rin kayang takasan ng mga nagtatanggol na kampeon ang masaklap na kapalarang maaari nilang sapitin sa pagbubukas ng laban sa Oktubre 6-7 sa kabila ng matinding dagok sa kanilang line-up?

“Mukhang malabo,” sinabi ni coach Jojo Arce sa Varsitarian. “Madaming malalakas ang hindi makakapaglaro, pero hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa.”  read more »

Tigresses pumapangatlo

SA KABILA ng kaunting aberya, pinagtibay ng UST Tigresses ang kanilang kartada para lumagak sa ikatlong pwesto sa kalagitnaan ng ikalawang round ng UAAP women’s basketball tournament.

“Kung gusto naming manatili sa number three spot o umakyat sa second, hindi na kami patatalo sa aming natitirang laban,” sabi ni coach Peque Tan sa Varsitarian.

Armado ng malagkit na man-to-man full-court pressure defense, pinulbos ng Tigresses ang National University (NU) Lady Bulldogs, 73-44, noong Agosto 25 sa Ateneo gym, para umakyat sa 7-3 win-loss card.  read more »

Male Tennisters muling naghari

MULING tinahak ng Season 69 champion UST Male Tennisters ang landas ng tagumpay matapos iuwi ang korona sa men’s division ng 2007 Milo All-Students Tennis Cup bagamat pumangalawa lamang ang kanilang mga babaeng kapanalig sa sarili nitong kampeonato.

Sa paghaharap ng dalawang koponan ng Male Tennisters sa finals, naisahan ng UST Team-A ang UST Team-B, 2-1, upang makuha ang kampeonato noong Agosto 11 sa Philam Life Tennis Club sa Quezon City.  read more »

UST Paddlers, gigil sa titulo

NAUDLOT man ang hangaring tumbasan ang pitong-taong paghahari ng mga Tomasinong paham ng dekada ’90 matapos igupo ng Far Eastern University (FEU) noong nakaraang taon, muling nagbabalik ang kasalukuyang henerasyon ng mga UST Tiger Paddlers sa Season 70 upang muling magsimula ng panibagong dinastiya sa UAAP.  read more »

Yellow Jackets nilinaw ang 'pagsapaw' sa Ateneo

SA GITNA ng mainit na halftime break bunsod ng sagupaang UST-Ateneo noong Agosto 4, naharap ang Yellow Jackets sa isang matindi at ‘di-inaasahang hamon: ang pigilin ang pagsisimula ng kaguluhan sa pagitan ng mga taga-suporta ng dalawang paaralan gamit ang paraang alam ng lahat.

Pinahupa ng Yellow Jackets ang namumuong galit ng mga Tomasinong manunood sa ginawang pagpapalawig ng Blue Babble Battlion ng oras ng pagtatanghal nito sa halftime break matapos pasinayaan ang isang round ng “Go Uste” cheer na umani ng negatibong reaksyon mula sa mga taga-suporta ng magkabilang kampo.

“Natakot kami na baka mauwi sa kaguluhan ang lahat ‘nung nakita naming nagiging balisa na ang mga tao,” ani Mico Letargo, tagapagsalita ng Yellow Jackets. “Doon namin naisip na mag “Go Uste” (cheer) na lang para hikayatin na lang ang mga (Tomasinong) manunood na mag-cheer imbes na daanin ang pagkadismaya sa marahas na paraan.”  read more »

Correction, hindi falsification sa kaso ni Duncil

HINDI maituturing na panlilinlang ang pagkakaroon ni Season 69 Finals MVP Jojo Duncil ng dalawang birth certificate na may magkaibang taon ng kapanganakan kung ang usaping legal ang pagbabatayan, ayon sa isang huwes at propesor ng Fakultad ng Derecho Civil.

Sinuportahan ng huwes na si Philip Aguinaldo ang pahayag kamakailan ng Rektor P. Ernesto Arceo, O.P., na hindi maaaring ituring na palsipikasyon ang magkasalungat na taon ng kapanganakan sa dalawang birth certificate ni Duncil na isinumite niya sa UAAP board noong 2003, kundi pagwawasto lamang ng detalye.  read more »

Lady Woodpushers nangunguna

KUNG ANG kasalukuyang rekord ng UST Lady Woodpushers ang pagbabayan, tila wala na yatang makapipigil pa sa tuluyang pamamayapag mga kampeon ng ng Season 69 tungo sa kanilang ikatlong sunod na titulo sa UAAP Chess tournament.  read more »

Tiger Cubs lugmok pa rin

SA KABILA ng masidhing pagsisikap na makalikom ng karagdagang ang panalo sa pagtatapos ng UAAP juniors basketball tournament, bigo pa rin ang UST Tiger Cubs na maiangat ang kanilang sarili mula sa nakapanlulumong 1-9 win-loss kartada.

“Kulang ang bata sa puso at killer instinct lalo na kapag dikitan ang laban,” ani coach Allan Ascue sa Varsitarian. “Wala kaming problema kung strategy at gameplan ang pinaguusapan. Sa endgame lang talaga nagkakatalo.“  read more »

Back Issues

S.Y. 2010-2011 (Vol. LXXXII)

S.Y. 2009-2010 (Vol. LXXXI)

S.Y. 2008-2009 (Vol. LXXX)

S.Y. 2007-2008 (Vol. LXXIX)

S.Y. 2006-2007 (Vol. LXXVIII)

S.Y. 2005-2006 (Vol. LXXVII)

S.Y. 2004-2005 (Vol. LXXVI)

S.Y. 2003-2004 (Vol. LXXV)

S.Y. 2002-2003 (Vol. LXXIV)

S.Y. 2001-2002 (Vol. LXXIII)

Other Publications

The 'V' in PDF

» Tomo LXXXII, Blg. 4 • Agosto 31, 2010 (7MB)
» Vol. LXXXII, No. 3 • July 31, 2010 (5MB)
» Vol. LXXXII, No. 2 • July 16, 2010 (6MB)
» Vol. LXXXII, No. 1 • July 1, 2010 (5MB)

S.Y. 2009-2010 (Vol. LXXXI)

Adobe Reader is required to open the file/s linked above. Click here to download.

User login

Recent comments

Disclaimer

Readers' comments posted in this site do not necessarily reflect the editorial position of the Varsitarian. The Varsitarian does not knowingly publish false information and may not be held liable for the views of readers exercising their right to free expression.