Agosto 6, 2005

Truth commission, iginiit ng CBCP

BAGAMAT may mga bumabatikos sa pagtatag ng Truth Commission upang siyasatin ang mga paratang laban kay Pangulong Macapagal-Arroyo, idiniin pa rin ng mga Obispo na isa itong paraan upang ituwid ang krisis pulitika sa bansa.  read more »

Salonga: Kailangan ng responsableng hudikatura

NANAWAGAN ang dating Pangulo ng Senado na si Jovito Salonga sa mga hues at mahistrado ng bansa na maging responsable sa kanilang gawain.

“Karapatan ng mga Pilipino na magkaroon ng mga hues na tapat at walang pinapanigan, lalo na ngayon at may mga krisis na nararanasan ang bansa,” ani Salonga sa kanyang talumpati, “Maintaining Public Faith and Confidence in the Judiciary,” sa 7th Chief Justice Hilario G. Davide, Jr. Distinguished Lecture sa Thomas Aquinas Research Center noong Hulyo 28.  read more »

Miguel de Benavides, pundador ng UST, binigyang pugay

MAKALIPAS ang apat na daang taon ng pagpanaw ni Msgr. Miguel de Benavides, O.P., buhay na buhay ang paaralan na minsa’y mistulang pangarap lamang.

Ginunita ng mga Tomasino ang ika-apat na sentenaryo ng pagkamatay ni Benavides, kinikilalang nagtatag ng Unibersidad at ikatlong arsobispo ng Maynila, noong Hulyo 26.

“Hindi lamang basta nangarap si Msgr. Miguel de Benavides,” ani Arsobispo Gaudencio Rosales sa isang misa para kay Benavides sa Manila Cathedral. “Ginawa niya ang lahat para matupad ang mga pangarap niya.”  read more »

Tomasinong ballerina, tagumpay sa patimpalak

HINDI naging hadlang ang edad ng isang Tomasinong ballerina upang makamit ang kauna-unahang silver medal ng bansa sa isang pandaigdigang kumpetisyon sa ballet.

Nanalo si Christine Rocas, 18, at alumna ng UST High School, sa ikawalong New York International Ballet Competition (NYIBC) sa Estados Unidos. Ipinagkaloob din kay Rocas ang Arpino Award kasama ang scholarship sa Joffrey Ballet, isang prestihiyosong ballet company sa Chicago.

Walang nagkamit ng gold medal samantalang napunta ang bronze medal sa Hapon na si Hanae Seki.  read more »

Mga pari, pinasalamatan

Tungkulin ng komunidad na ipagdasal ang kanilang mga pari upang lalo silang maging matapat at mapagpasalamat sa kanilang bokasyon.

Sa ginanap na “Week of Prayer and Gratitude for Priests” noong Hulyo 25-29, nag-alay ng mga dasal ang mga Tomasino para sa “sanctification” ng mga pari ng UST.

“They also need attention and care from the community,” ani Institute of Religion propesor Celso Nierra. “They need our prayers because some of them are lonely and are susceptible to temptations.”  read more »

Tiger Spikers umarangkada

MATAPOS mabigo sa unang araw ng torneo, bumawi ang ang UST Senior Volleyball teams matapos magtala ng kani-kanilang panalo sa UAAP Season 68 Volleyball tournament.

Pinatunayan ng Tiger Spikers, na may 3-1 na kartada, ang kanilang dominasyon sa net nang patumbahin nila ang Adamson University (AdU) Falcons, 25-22, 25-21, 25-15, noong Hulyo 31 sa University of the Philippines (UP) Human Kinetics Gym.

Nagtulungan sina Carlo Lubi, Jake Lagar, at Reny John Balse sa kabuuan ng laro upang makamit ang straight-set na tagumpay.  read more »

Mga Tomasino, walang kaisahan sa krisis

LUMABAS sa pagkukuro na dinaluhan ng mga kinatawan mula sa Faculty of Civil Law, Alliance of Concerned Thomasians (Act-Now), Legal Management Society, at mga partidong pulitikal na Lakas Tomasino at Alyansa ng Kristiyanong Lakas (Aklas), na walang iisang posisyon ang mga Tomasino.

Ayon kay Christer Gaudiano, presidente ng Lakas Tomasino, mahalaga na may paninindigan ang mga mag-aaral.

“Lahat tayo nagnanais ng pagbabago subalit bago sana tayo lumabas sa kalye at humingi ng pagbabago, baguhin muna natin ang ating mga sarili,” ani Gaudiano.  read more »

Tigresses, nanganganib sa UAAP

PATULOY pa ring hinahanap ng UST Tigresses ang pormula ng panalo matapos matalo sa unang dalawang laban nito sa UAAP Season 68.

Matapos yumuko sa De La Salle University (DLSU) sa una nilang pagkikita noong Hulyo 17, hindi nagbago ang kapalaran ng mga bata ni Elizabeth Tan sa kanilang pagtutuos sa University of the Philippines, 49-63, noong Hulyo 31 sa Adamson Gym.

“Sinubukan naman ng mga bata ko, maaga lang kasi nagka-foul trouble at na-injure ‘yung key player namin kaya nahirapan kami,” ani Tan.  read more »

Growling Tigers, bagsak sa unang round

BAGAMAT natamo na ang mailap na tagumpay, malabo pa rin ang pag-asa ng Growling Tigers, na may 1-5 kartada, sa Final Four ng UAAP Season 68.

Matapos ang limang sunud-sunod na pagkatalo, nalusutan ng UST ang National University (NU) Bulldogs, 107-100, sa isang overtime noong Hulyo 31 sa Araneta Coliseum.

Ayon kay head coach Nel Parado, bata pa talaga ang koponan “kaya wala dapat masyadong asahan.” Ngunit masaya siya na nakamit na ang panalong kanilang hinihintay.  read more »

Golden Booters, natisod sa Ang Liga

NABIGO ang UST Golden Booters sa kanilang unang laro laban sa College of Saint Benilde (CSB) Blazers, 0-1, sa ikatlong edisyon ng Ang Liga Tournament noong Hulyo 24 sa UST Field.

Tanging ang forward na si Michael Navarro ng CSB ang naka-iskor sa 43rd minuto ng ikalawang half.

Nagkaroon ang Golden Booters ng pagkakataong makabawi sa mga huling minuto ng laban, ngunit napigil ni CSB goalkeeper Sofronio Llavares ang dalawang free kick ng UST mula sa mga handball violations.

“We came up short on the finishing side,” ani head coach Nonoy Carpio.  read more »

Back Issues

S.Y. 2010-2011 (Vol. LXXXII)

S.Y. 2009-2010 (Vol. LXXXI)

S.Y. 2008-2009 (Vol. LXXX)

S.Y. 2007-2008 (Vol. LXXIX)

S.Y. 2006-2007 (Vol. LXXVIII)

S.Y. 2005-2006 (Vol. LXXVII)

S.Y. 2004-2005 (Vol. LXXVI)

S.Y. 2003-2004 (Vol. LXXV)

S.Y. 2002-2003 (Vol. LXXIV)

S.Y. 2001-2002 (Vol. LXXIII)

Other Publications

The 'V' in PDF

» Tomo LXXXII, Blg. 4 • Agosto 31, 2010 (7MB)
» Vol. LXXXII, No. 3 • July 31, 2010 (5MB)
» Vol. LXXXII, No. 2 • July 16, 2010 (6MB)
» Vol. LXXXII, No. 1 • July 1, 2010 (5MB)

S.Y. 2009-2010 (Vol. LXXXI)

Adobe Reader is required to open the file/s linked above. Click here to download.

User login

Recent comments

Disclaimer

Readers' comments posted in this site do not necessarily reflect the editorial position of the Varsitarian. The Varsitarian does not knowingly publish false information and may not be held liable for the views of readers exercising their right to free expression.