INIREKLAMO na sa piskalya ni Dr. Gil Gamilla, pangulo ng UST Faculty Union, ang kumpanyang pinautang niya ng P9.5 milyon gamit ang pondo ng unyon. Samantala, isang komite naman ang binuo upang siyasatin ang katotohanan ukol sa paglabas ng nasabing pondo nuong 2006.
Ang Task Force Committee on Peers ay binuo noong Hulyo 16 sa pangunguna ni Noel Asiones, vice president for legal affairs ng unyon. Ang komite naman ay pinamumunuan ni Rafael Bautista mula sa College of Education, kasama sina Pablito Baybado, Jr. (Institute of Religion), Apolinario Bobadilla (College of Accountancy), Jacinta Cruz (Faculty of Pharmacy), at Fortunato Sevilla III (College of Science). read more »
PASOK sa ikatlo at ika-apat na puwesto ang dalawang mataas na paaralan ng UST sa National Achievement Test (NAT), na kinuha ng mga mag-aaral sa ikalawang taon ng hayskul noong Marso.
Sa isinagawang pagsusulit ng Department of Education (DepEd) sa may 84 na pribadong paaralan sa Maynila, pangatlo ang UST Education High School na may markang 61.27 porsiyento at pang-apat naman ang UST High School na may 59.27 porsiyento.
Ang Samantabhadra Institute (66.33 porsiyento) at St. Jude Catholic School (64.26 porsiyento) naman ang nanguna at pumangalawa sa pagsusulit. read more »
HUMATAW ang mga Tomasino sa katatapos lamang na physician at occupational therapist (OT) licensure exams, samantalang pasok din ang iba sa Top 10 sa pagsusulit para sa mga nurse, physical therapist (PT) at nutritionist-dietetician.
Pinangunahan ni Chitra Punjabi ang 1,597 na mga bagong manggagamot matapos siyang magtala ng markang 89.42 porsiyento.
Pasok naman sa Top 10 sina Nikka Doreen Angbue-Te sa ikatlong puwesto (88.33 porsiyento), Michael Conrad Tongol sa ika-anim (87.83 porsiyento), Kristianne Emmanuelle Bagaoisan sa ikasiyam (87.50 porsiyento) at Rozelle Jade Javier sa ikasampu (87.42 porsiyento). read more »
WALANG nabuong pakikipagkasundo sa pagitan ng UST at ng tatlong dating guro sa College of Fine Arts and Design (CFAD) na natanggal sa serbisyo matapos hindi pumirma ng waiver mula sa Office of the Vice-Rector for Academic Affairs and Research.
Ayon kay Raymond Antiola, isa sa mga guro sa CFAD na tinanggal, hindi dumating ang mga kinatawan ng UST sa unang pagdinig noong Hulyo 18 samantalang dalawang beses nang ipinagpaliban ang pagdinig sa National Labor Relations Commission (NLRC), sa paniniwalang malulutas pa ang kaso sa pamamagitan ng maayos na usapan.
Ang susunod na pagdinig ay sa Setyembre 27. read more »
GINAWARAN ng Center of Excellence (COE) status ang kursong Biology ng UST matapos itong sumailalaim sa inspeksiyon ng Commission on Higher Education (Ched) noong ika-2 ng Hulyo.
Sa isang liham noong ika-9 ng Agosto, sinabi ng komisyon na nakamit na ng UST ang pamantayan ng Ched evaluation panel para sa biology.
“Based on the [Technical Panel for Biology’s] recommendations, the Ched en banc during its special meeting last July 7 has decided to approve your designation as a Ched center of excellence in biology from July 8, 2010 to August 14, 2011 which is the expiration of its original designation,” pahayag ng Ched sa isang liham kay Rektor P. Rolando de la Rosa, O.P. Nakakuha ang Varsitarian ng kopya ng liham. read more »
IPINAGKALOOB ang kauna-unahang Gawad Jose Villa Panganiban (Gawad JVP) sa isang Tomasino na nag-ambag sa pag-unlad ng wikang pambansa sa kaniyang pagtuturo ng kimika sa wikang Filipino.
Tinanggap ni Fortunato Sevilla III, dating direktor ng Office for Research and Development at dekano ng College of Science, ang unang Gawad JVP noong ika-18 ng Agosto sa Rizal Conference Hall, St. Raymund’s Building.
“Natatandaan ng mga estudyante ang lecture sa Filipino dahil mas madali nila itong maintindihan. Isang sabi, madali ang pasok kaysa sa Ingles. May nagkuwento sa akin na kapag Ingles, ilang beses pa silang mag-iisip bago nila maintindihan [ang talakayan],” ani Sevilla. read more »
WAGI sa iba’t ibang kompetisyon sa Asya ang ilan sa mga mag-aaral ng Conservatory of Music matapos makatanggap ng mga parangal sa iba’t ibang larangan ng musika.
Nakatanggap ang Coro Tomasino ng tatlong parangal sa kauna-unahang Institut Teknologi Bandung International Choir Competition sa Indonesia mula Hulyo 29 hanggang Agosto 1.
Nakuha nila ang isa sa mga silver awards sa Mixed Choirs – Historical Programs category, habang dalawa naman sa mga gintong parangal ang nasungkit ng Coro sa mga kategorya ng Mixed Choirs–Free Programs at Folksong Choir. read more »
ISA PANG Tomasino ang napabilang sa hanay ng mga opisyal sa pamahalaan ng Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.
Nanumpa noong Agosto 3 sa Malacañang si Emmanuel Joel Villanueva, anak ng natalong kandidato sa pagkapangulo na si Eduardo “Bro. Eddie” Villanueva, bilang bagong director-general ng Technical Education and Skills Development Authority (Tesda).
Sa UST High School tinapos ni Villanueva ang kaniyang secondary education noong 1992 habang sa College of Commerce and Business Administration naman niya tinapos ang kaniyang kursong Bachelor of Science in Commerce major in Economics noong 1996. read more »
SINIMULAN sa Tuguegarao, Cagayan ang paglunsad ng proyektong “Simbahayan 400: Tomasino Para sa Simbahan, Tahanan, at Bayan” kung saan magtatayo ng 400 proyektong pang-komunidad ang Unibersidad para sa pagdiriwang ng ika-400 taon nito.
Ang nasabing proyekto ay “centerpiece” ng pagdiriwang ng isang taon na unang inilungsad sa Tuguegarao
Pinangunahan ito ng parada kasunod ng misa sa launching ng Simbahayan at dinaluhan ito ng ilang opisyal ng Unibersidad at ang obispo ng Tuguegarao na si Fr. Ricardo Baccay.
Ayon kay Marielyn Quintana, executive director ng Simbahayan, makatutulong ang paglulunsad sa Tuguegarao upang mapalawak ang proyektong pang-komunidad sa Hilagang Luzon. read more »
ITINALAGA ni Pangulong Benigno Aquino III ang dekano ng Conservatory of Music na si Raul Sunico bilang isa sa mga bagong board members ng Cultural Center of the Philippines (CCP).
Kasabay niya sina Jaime Laya at ang arkitektong si Cristina Turalba na tumanggap ng puwesto noong ika-14 ng Agosto. Kasalukuyang pangalawang pangulo at artistic director si Sunico ng CCP.
Si Laya ay dating puno ng National Commission on Culture and Arts at si Turalba naman ay dating guro ng Unibersidad ng Pilipinas (UP).
Nagtapos si Sunico ng kursong musika, matematika, at statistics sa UP. Nakuha naman niya ang kanyang master’s degree sa musika sa Julliard School sa New York, at doctor of Philosophy sa New York University. Darenn G. Rodriguez
S.Y. 2011-2012 (Vol. LXXXIII)
S.Y. 2010-2011 (Vol. LXXXII)
S.Y. 2009-2010 (Vol. LXXXI)
S.Y. 2008-2009 (Vol. LXXX)
S.Y. 2007-2008 (Vol. LXXIX)
S.Y. 2006-2007 (Vol. LXXVIII)
S.Y. 2005-2006 (Vol. LXXVII)
S.Y. 2004-2005 (Vol. LXXVI)
S.Y. 2003-2004 (Vol. LXXV)
S.Y. 2002-2003 (Vol. LXXIV)
S.Y. 2001-2002 (Vol. LXXIII)
» Vol. LXXXIII, No. 3 • July 31, 2011 (8MB)
S.Y. 2010-2011 (Vol. LXXXII)
S.Y. 2009-2010 (Vol. LXXXI)
Readers' comments posted in this site do not necessarily reflect the editorial position of the Varsitarian. The Varsitarian does not knowingly publish false information and may not be held liable for the views of readers exercising their right to free expression.
Recent comments
14 hours 30 min ago
3 days 5 hours ago
4 days 9 hours ago
5 days 16 hours ago
1 week 7 hours ago
1 week 1 day ago
1 week 2 days ago
1 week 6 days ago
1 week 6 days ago
1 week 6 days ago