Agosto 31, 2009

Tigers nanganganib matanggal

Nakalusot man si Jeric Teng sa depensa ng kalaban na si Jai Reyes, tumiklop parin ang Growling Tigers sa Ateneo Blue Eagles, 70-80. Photo by Paul Allyson R. QuiambaoGINTO na, naging bato pa.

Nagkatotoo ang prediksyon ni coach Pido Jarencio na hindi uubra ang UST Tigers sa ibang koponan kung patuloy silang bibitiw sa mga kritikal na yugto ng laro.

Ito nga ang naging masaklap na kapalaran ng Tigers matapos silang patumbahin ng Ateneo de Manila University Blue Eagles, 70-80, noong ika-23 ng Agosto sa Araneta Coliseum. Ang pagkatalo ay nagpako sa UST sa ikaapat na puwesto sa round two ng UAAP Season 72 Men’s Basketball, tangan ang 5-5 na kartada.

Ito ay nagbukas din ng pintuan para sa mga koponan sa ilalim ng team standings na makakuha ng lugar sa Final Four. Kontrolado ng Tigers ang halos kabuuan ng laro bago magpasabog ang Eagles ng 16-6 run sa huling yugto.

Tuluyan nang gumuho ang pag-asa ng UST na makaahon pa nang ibuslo ni Kirk Long ang isang three-pointer na nagbaon sa Tigers, 66-74, nang may isang minuto na lamang ang nalalabi sa laro. read more »

Lady Jins, nagreyna sa Nationals

Isang mabilis na sipa ang ibinigay ni Lady Jin Emron Mae Golding sa kalaban mula sa University of the Philippines. Photo by Lester G. BabieraGAMIT ang kanilang mga nag-aapuyang na sipa, pinatumba ng UST Lady Jins-Tigers ang De La Salle Delta-Green upang makamit ang kampeonato sa ika-32 National Taekwondo Championship Women’s Senior-Advance division noong Agosto 2 sa Rizal Memorial Coliseum.

Sa huling pagtutuos, unang pinabagsak ni Zyra Tindor ng De La Salle Delta-Green si UST Lady Jin Caryn Pilongo ngunit tinabla ng kakamping si Lady Jin Aphrodite Brillantes ang laban, 1-1, nang paulanan niya ng matitinding sipa si Jyra Lizardo.

Tuluyan ng umabante ang De La Salle Delta-Green nang talunin ni Eunice Alona si Lady Jin Jade Zafra subalit pinaghiganti naman siya ni Lady Jin Emron Mae Golding nang paluhurin niya si Criselda Roxas ng De La Salle Delta-Green gamit ang pulidong sipa sa ulo, upang idala sa isang deadlock, 2-2. read more »

Tigresses, umariba laban sa Amazons

MULING ipinamalas ng UST Tigresses ang kanilang bangis nang mabihag nila sa pangalawang pagkakataon ang University of the East (UE) Amazons, 96-69, noong Agosto 19 sa Far Eastern University Gymnasium. Dahil sa panalo, nasa ikaapat na puwesto ang koponan tangan ang 5-4 win-loss record.

Agad na rumatsada ang mga Tigresses nang magpasiklab ng 12-2 run sina Lore Rivera, Ann Leonardo, Katrina Fermin at Rina Laud sa kalagitnaan ng unang yugto at iniwang nakapako ang UE sa dalawang puntos, 16-2.

Sinubukang pigilan nina Amazons Dianne Ventura at Nerissa Cabrera ang paglobo ng lamang ng UST subalit patuloy ang pagkaripas ng mga Tigresses hanggang sa matapos ang unang kanto, 23-10. Unti-unting nanghina ang opensa ng mga Amazons dulot ng ilang ulit na pag-agaw ng bola ng UST na nagtatak ng 50-25 karta sa first half. read more »

Cubs, nalusutan ang Eaglets

TILA lumusot sa butas ng karayom ang UST Tiger Cubs sa kanilang panalo laban sa Ateneo Blue Eaglets, 75-72, sa San Juan Arena noong Agosto 23.

Dahil sa panalo, hawak ngayon ng UST ang ikalawang puwesto sa team standings sa pamamagitan ng 7-3 kartada kapantay ng Ateneo. Nagmistulang see-saw ang ikalawang paghaharap ng dalawang koponan na pinatunayan ng walong lead changes at dalawang deadlocks sa kabuuan ng laro.

“Talagang pinaghandaan namin ang laban sa Ateneo. Pinaghusayan naming ang depensa at pinag-aralan kung paano sila mapigilan. Isa pa, nag-step up din ang mga bata,” sabi ni coach Allan Ascue.

Isang three-pointer mula kay Molline Gonzalez sa umpisa ng fourth quarter ang nagbigay ng kalamangan sa Tiger Cubs, 56-55, hanggang sa mapasakamay nila ang momentum at tuluyang nagapi ang Blue Eaglets. Mainit ang naging simula ng unang kanto para sa UST bunga ng maagang four-point play ni Kevin Ferrer na sinegundahan ng freethrows ni Kyle Neypes. read more »

'Gawi, gustong bumawi

Matapos ang kanilang matinding paghahanda, hindi na nga kaya uuwing luhaan ang Salinggawi Dance Troupe ngayong taon? FILE PHOTOMATAPOS mabigong iuwi ang korona ng dalawang beses, paano pa kaya mapapatunayan ng Salinngawi Dance Troupe na karapatdapat itong tanghaling hari ng dancefloor sa nalalapit na UAAP Season 72 Cheerdance Competition?

Inamin ng pangulo ng Salinggawi na si Sky Bautista na nagkulang ang pangkat sa teknikal na aspekto noong nakaraang taon, kaya’t pumangalawa lamang ito sa University of the Philippines (UP) Pep Squad.

Aminado siyang mas maganda ang konsepto at tema ng
pagtatanghal ng UP.

“Sa criteria noong nakaraang taon, mas binigyang diin ang teknikal na aspeto kaysa dance set. At nasa dance ang kalakasan ng Salinggawi,” sabi ni Bautista. “Kaya ngayon, pinag-iigihan namin ang aming mga kahinaan.”

Puspusan na ang paghahanda ng Salinggawi upang mabawi ang korona mula sa kanilang mortal na katunggali. Buong taong subsob sa pagsasanay ang mga kasapi ng nine-time UAAP Cheerdance Champion, lalo na ngayong papalapit na ang kompetisyon.  read more »

La Salle, pinaluhod ng Shuttlers

IBINAON ng UST Male Shuttlers ang De La Salle University sa iskor na 3-2 sa pagpapatuloy ng UAAP badminton competition sa Rizal Memorial Badminton Hall noon Agosto 23.

Hindi na nakapalag ang La Salle players nang paluhuhin sila ng sa unang tatlong laro. Nagawang bumawi ng La Salle sa sumunod na dalawang laro, ngunit huli na ang lahat.

“Naglaro silang mabuti at ang mga inaasahan kong mangyari ay nangyari at kung magpapatuloy pa ito, sigurado na tayo hanggang finals” ani coach Noli Cajefe.

Hindi naging madali ang unang laban sa pagitan nina Male Shuttler Paolo Dawal at Tim Ang ng De La Salle, 27-25, 21-14, ngunit namayagpag pa din si Dawal nang tapusin niya ang bawat set sa pamamagitan ng drop shots.

Naungusan naman ni RJ Ormilla ng UST si Mike Paclibar ng De La Salle, 21-13, 21-19, nang indahin ni Paclibar ang ilang unforced errors. read more »

Cruz, Allera sasabak sa PBA

HINDI magtatagal at muling masisilayan ng mga Tomasino ang gilas ng mga dating UST Growling Tigers na sina Jervy Cruz at Franciz Allera.

Magbabalik-aksyon sa hardcourt ang “Season 70 Most Valuable Player” na si Cruz at ang three-point sniper na si Allera sa nalalapit na pagbubukas ng Philippine Basketball Association (PBA), batay sa kalilipas lamang na 2009 PBA Rookie Draft noong ikalawa ng Agosto sa Market! Market! Mall sa Taguig.

Napili si Cruz ng Rain or Shine Elasto Painters bilang ika-limang draft pick samantalang maglalaro naman si Allera para sa Coca-Cola Tigers, matapos siyang mapili sa ikalabingapat na puwesto ng draft.

“Masayang-masaya ako kasi magiging bahagi na ako ng PBA. Simula na ‘to ng pag-abot ko sa aking pangarap,” sabi ni Cruz. “[Gusto kong] makita ng mga Tomasino na marami pa rin ang napo-produce na atleta ng UST na kayang makapunta sa propesyonal,” dagdag naman ni Allera. Charizze L. Abulencia

Konsiyerto, idinaos para sa mga atletang Tomasino

DUGO at pawis ang puhunan ng ating mga Tomasinong atleta upang bigyang parangal ang Unibersidad, ngunit minsan hindi sapat ang sinasabing “fighting spirit” upang makamit ang inaasam na tagumpay.

Noong Hulyo 30, inilunsad ng Liga Tomasino at Tiger Pack ang isang concert at fashion show na pinamagatang “Rakrakan at Rampahan” sa Makuhari bar sa Malate.  Mga kapwa Tomasino rin ang tumugtog at rumampa, upang makalikom ng pondo para sa mga manlalaro ng UST.

Ayon kay Clarence Aytona, team manager ng UST Growling Tigers, mapupunta ang benta ng tiket sa sa mga manlalaro ng iba’t ibang koponan sa UST tulad ng basketball, volleyball at softball upang matustusan ang kanilang mga pangangailangan sa pagkain at edukasyon.

“Hindi lang naman isang pagdiriwang ito para sa mga tanyag na manlalaro ng UST kung hindi para mabigyan din namin sila ng suporta sa kanilang mga pangangailangan,” ani Aytona.  read more »

Pagmumuni-muni sa mundong palaisipan

ANG AGHAM at kababalaghan ay kadalasang hindi maipagsama. Ngunit sa panitikan, maaari itong mangyari. Kailangan lang sagutin ng mga manunulat at mambabasa ang isang tanong: “Paano kung?” Sa pagsagot sa tanong na ito nabubuo ang isang uri ng katha na tawag ay speculative fiction.

Ayon kay Victor Emmanuel Carmelo Nadera, direktor ng Institute for Creative Writing sa University of the Philippines, ang speculative fiction ay naiiba sa karaniwang anyo ng katha tulad ng science, fantasy, at horror fiction.

“Winawasak nito ang mga harang na nagbubukod sa iba’t-ibang uri ng katha,” ani Nadera. “Sa prosesong ito nabubuo ang speculative fiction.”

Ayon naman kay Ralph Semino Galan, propesor ng panitikan sa Faculty of Arts and Letters, walang pinagkaiba ang proseso ng paggawa ng isang speculative fiction sa ibang uri ng katha.  read more »

Anong kababalaghan ang nais mong mangyari dito sa UST?

“Sana maging time machine ang library natin, para mabigyan tayo ng pagkakataong maranasan ang mga bagay at pangyayaring itinuturo sa atin sa classroom. Puwede rin nating balikan yung mga mahahalagang kaganapan sa kasaysayan gaya ng Martial Law at 1986 Edsa Revolution.”
- Lian Nami Buan, journalism senior

“May lagusan na nagdurugtong sa nakaraan, kasalukuyan, at hinaharap. Para na rin madala sa maling panahon ang mga propesor.
- Nerie Rose Santos, food technology senior

“Siguro maganda kung magiging paaralan para sa mga superheroes na nakatadhanang baguhin ang mundo.”
- Rachelle Anne Salonga, food technology senior  read more »

Back Issues

S.Y. 2011-2012 (Vol. LXXXIII)

S.Y. 2010-2011 (Vol. LXXXII)

S.Y. 2009-2010 (Vol. LXXXI)

S.Y. 2008-2009 (Vol. LXXX)

S.Y. 2007-2008 (Vol. LXXIX)

S.Y. 2006-2007 (Vol. LXXVIII)

S.Y. 2005-2006 (Vol. LXXVII)

S.Y. 2004-2005 (Vol. LXXVI)

S.Y. 2003-2004 (Vol. LXXV)

S.Y. 2002-2003 (Vol. LXXIV)

S.Y. 2001-2002 (Vol. LXXIII)

The 'V' in PDF

» Vol. LXXXIII, No. 3 • July 31, 2011 (8MB)

S.Y. 2010-2011 (Vol. LXXXII)

S.Y. 2009-2010 (Vol. LXXXI)

User login

Recent comments

Disclaimer

Readers' comments posted in this site do not necessarily reflect the editorial position of the Varsitarian. The Varsitarian does not knowingly publish false information and may not be held liable for the views of readers exercising their right to free expression.