IBA’T IBANG mga obra ng mga batikan at baguhang Tomasinong alagad ng sining ang ipinakita sa ikalawang pagsasama-sama ng iba’t ibang mga galeriya sa Pilipinas sa ManilArt 2010. Ito ay inorganisa ng Bonafide Art Galleries Association (BAGO) sa SMX Convention Center na idinaos noong Hulyo 29 hanggang Agosto 1.
Ang ginamit na piyesa bilang opisyal na larawan ng ManilArt 2010 ay ang obra ng UST Fine Arts alumnus na si Andres Barrioquinto na tinawag na “Crystal Gazer.”
Kabilang sa mga pintor na nagmula sa UST na sumali sa ManilArt ay sina Arturo Luz, Roberto Chabet, Lydia Velasco, Jomike Tejido at Anton Balao.
Lumahok din ang sikat na iskultor na si Ramon Orlina na kilala sa paggamit ng salamin bilang medium sa paggawa ng iskultura. read more »
PANINGIN ang karaniwang ginagamit upang humusga ng kagandahan, ngunit ipinababatid ng Sensorium of Portraits: The Inner Connectedness of Everyone and Everything, isang tactile exhibit para sa mga indibidwal na hindi nakakikita, na ang diwa ng sining ay hindi lamang limitado sa mga kulay o guhit-balangkas.
Ang tanghal na ito ni Allison Wong-David ay matatagpuan sa Metropolitan Museum of Manila mula noong Hunyo 2009 at tatakbo hanggang sa katapusan ng taon. Ito ay parte ng programang Touch the Artist Vision na sinusuportahan ng UST Graduate School-Center for Conservation of Cultural Property and Environment in the Tropics. read more »
DALAWANG mag-aaral mula sa College of Fine Arts and Design ang nagpakitang-gilas sa kanilang exhibit na tinawag na Ulap sa Lupa na ginanap sa Botong’s Up Bistro sa A. Venue Mall sa lungsod ng Makati mula Agosto 2 hanggang 20.
Tampok dito ang mga gawa nina Kevin “Gripo” Balboa at Frances Nicole “Biwan” Delos Angeles na kasalukuyang nasa kanilang ikaapat na taon sa kursong Painting.
“Ang konsepto ng aming mga gawa ay umiikot sa paghahanap ng mga simpleng pangyayaring nagbibigay kaligayahan sa mga tao, na kung minsan ay nakakaliligtaan ng nakararami,” ani Balboa at Delos Angeles. read more »
ISANG Tomasino ang pinarangalan sa katatapos na Ateneo Art Awards (AAA) 2010 na ginanap noong ika-12 ng Agosto sa Grand Atrium ng Shangri-La Plaza sa Mandaluyong.
Si Mark Salvatus, nagtapos ng kursong Advertising Arts sa College of Fine Arts and Design noong 2003, ay isa sa mga nanalo sa AAA 2010, kasama ang dalawang kapwa alagad ng sining na sina Leslie de Chavez at Pow Martinez. Siya ay pinarangalan para sa kaniyang “Secret Garden,” isang obra na itinampok sa Sangduan 5: Daloy ng Dunong sa Pambansang Museo. Ito ay gawa sa bote ng softdrinks na ginupit upang magmukhang halaman at inilagay sa look ng pader upang makita sa pamamagitan ng isang bintana. read more »
UPANG ipakita sa publiko ang kariktan ng papel, pitong alagad ng sining ang nagsama-sama sa exhibit na pinamagatang Pumapapel: Art in Paper na nag-umpisa noong ika-13 ng Hulyo at tatagal hanggang Nobyembre 16 sa Yuchengco Museum.
Bumida ang dalawang Tomasinong artist na nagtapos ng Advertising mula sa dating College of Architecture and Fine Arts na sina Tony Gonzales at Tes Pasola na piniling gamitin ang papel bilang materyal sa kanilang sining.
Kasama ng dalawa ang printmaker na si Pandy Aviado, iskultor na si Impy Pilapil, Joey Cobcobo, Wataru Sakuma at Asao Shimura at ang walong mag-aaral ng School of Fashion and the Arts (SoFA). read more »
Readers' comments posted in this site do not necessarily reflect the editorial position of the Varsitarian. The Varsitarian does not knowingly publish false information and may not be held liable for the views of readers exercising their right to free expression.
Recent comments
1 day 1 hour ago
1 day 18 hours ago
2 days 1 hour ago
2 days 1 hour ago
2 days 2 hours ago
2 days 16 hours ago
2 days 17 hours ago
3 days 8 hours ago
4 days 20 hours ago
5 days 16 hours ago