Tigers, pinataob ang Green Archers

Photo by Isabela A. MartinezAgosto 25, 7:21 p.m. - UMABANTE sa ikaapat na puwesto sa UAAP men’s basketball tournament ang UST Growling Tigers matapos maungusan ang De La Salle University Green Archers, 60- 52, sa kanilang laban sa Smart-Araneta Coliseum kaninang hapon.

Ito ang unang panalo ng UST laban sa La Salle simula pa noong 2007.

Pinamunuan ni Jeric Teng ang Tigers na nagtala ng 14 puntos, walo rito sa ikaapat na bahagi ng laro, at limang rebounds. Nagdagdag naman ng tig-sampung puntos sina Chris Camus at Carmelo Afuang upang mas paigtingin ang opensa ng UST.

“Saluhan lang naman kami sa team. Kung sino ang pwede ‘dun namin binibigay yung play,” ani Teng.

Sa kabila ng mainit na simula para sa Tigers, naging gitgitan ang labanan sa huling yugto ng kompetisyon matapos magpakawala ng jumper ni Samuel Marata ng La Salle, 46- 45. Ngunit sumagot si Teng dalawang magkakasunod na tres upang muling palawigin ang kalamangan ng UST, 56- 51, sa nalalabing isang minuto ng laro.

Sinubukang wasakin ng La Salle ang momentum ng UST gamit ang isang tira mula sa lowpost ni Norbert Torres upang ilapit ang Archers, 56- 52. Nagsilbing pamatay-sunog ang fastbreak lay-up ni UST team captain Jeric Fortuna na nagbigay sa Tigers ng walong puntos na kalamangan, 60- 52.

Mainit ang naging simula para sa UST matapos sila magpamalas ng 16-2 run na nag-angat sa koponan, 30- 21, sa unang bahagi ng laro. Nanguna sa atake si rookie Kevin Ferrer.

“Hindi ako tumitingin sa standings. Basta ako one game at a time, pero talagang big win ‘to para sa ‘min dahil dalawa kaming nasa ikaapat na puwesto,”ani coach Pido Jarencio. Anne Marie Carmela L. Dayauon

Post new comment

  • Allowed HTML tags: <a> <em> <strong> <cite> <code> <ul> <ol> <li> <dl> <dt> <dd> <p> <br>

More information about formatting options

User login

Recent comments

Disclaimer

Readers' comments posted in this site do not necessarily reflect the editorial position of the Varsitarian. The Varsitarian does not knowingly publish false information and may not be held liable for the views of readers exercising their right to free expression.