Cubs, nalusutan ang Junior Warriors

Photo by Jaime T. CamposHINDI pinaporma ng UST Tiger Cubs ang naghihingalong UE Red Warriors, 65-47, sa kanilang engkuwentro sa Ateneo Blue Eagle gym kanina.

Pinagharian ni power forward Angelo Latoreno ang low post na nagtala ng double-double figures na 16 puntos at 12 rebounds, habang nakaagapay sa kaniya sina Alfredo Cabilla at Nicko Bahia na may tig-12 puntos.

Sinakal ng Tiger Cubs ang opensa ng Junior Warriors gamit ang isang mahigpit na one-two-two defense, dahilan para mapako sa 37.8 ang field goal-percentage ng Warriors.

Sa unang yugto ng kanilang tagpo lang nakalamang ang UE, 9-15, ngunit nagising ang Cubs sa pangalawang kanto para makontrol ang momentum na napasakamay nila hanggang matapos ang laro.

“Basically, na gamit namin ang pagiging maliit ng kanilang koponan,” ani coach Allan Ascue.

Nagtangka ang UE na baguhin ang kapalaran ng simulan nila pasukin ang mahigpit na depensa ng Cubs sa umpisa ng laro sa pangatlong kanto.

Nailapit nila ang iskor sa sampu matapos pumukol ng tres si Ricardo Mandilag sa nalalabing tatlong minuto ng ikatlong yugto ng laban, 42-32.

Ang Cubs ay nanatili sa ikalimang puwesto ng UAAP Juniors basketball tournament. Jan Edward B. Ballesteros

Post new comment

  • Allowed HTML tags: <a> <em> <strong> <cite> <code> <ul> <ol> <li> <dl> <dt> <dd> <p> <br>

More information about formatting options

User login

Recent comments

Disclaimer

Readers' comments posted in this site do not necessarily reflect the editorial position of the Varsitarian. The Varsitarian does not knowingly publish false information and may not be held liable for the views of readers exercising their right to free expression.