Tigers, tinambakan ng Blue Eagles

Photo by Isabela A. MartinezAgosto 20, 8:08 p.m. - IISA ANG kapalaran ng UST ngayong araw matapos matalo ang tatlong koponan nito sa magkakahiwalay na basketball games sa UAAP.

Di na nakuha pang makaporma ang UST Growling Tigers matapos silang tambakan ng Ateneo de Manila University Blue Eagles, 57-82, ngayong hapon sa Smart-Araneta Coliseum.

Mistulang naglaho ang opensa ng Tigers na nagtala lamang ng anim na puntos sa unang kanto ng laro.

Dahil sa pagkatalo, bumagsak sa ika-apat na puwesto ang Tigers na ngayon ay may 4-5 na kartada.

Nagtala ang Tigers ng 10-0 run sa mga unang minuto ng huling kanto upang bahagyang makadikit sa 49-70, ngunit dagliang sumagot ang Ateneo.

Matapos ang laban, inamin ni coach Pido Jarencio na wala pa siyang naiisip na adjustments para sa mga nalalabing laro ng ikalawang round robin.

“Sa ngayon ‘di ko alam ang mga kailangan baguhin sa opensa at depensa,” ani Jarencio. “Dapat pataas na kami, pero sa ngayon, dumadausdos nanaman ang laro namin.”

Nagpakita naman ng kumpletong laro si Karim Abdul na nagtala ng 12 puntos at 19 rebounds. Samantala, tila nawalan ng opensa ang kapitan ng UST na si Jeric Fortuna na nagtala lamang ng pitong puntos sa pamamagitan ng malamyang 14-percent shooting.

Nabigo rin ang Tigresses na masungkit ang kanilang unang panalo sa ikalawang round ng elimination matapos silang pataubin ng De La Salle University, 49-51, sa kanilang laban sa UAAP kaninang umaga.

Hindi nagawang makapagbaon ni Juvelyn Andaya ng isang basket na sana’y nagpapatabla sa iskor.

Ito ang ikalawang beses na natalo ang Tigresses sa kanilang kampanya ngayong taon. Nabigo rin sila laban sa Adamson University, 53-65, noong Agosto 14.

Nakalapit ang Tigresses sa Archers, 47-49, matapos umiskor sa Kristine Siapoc ng three-point shot.

Nagtala si Paula Bombeo ng 10 puntos at pitong rebounds habang kumamada naman si Aracelie Abaca ng DLSU sa pamamagitan ng 12 puntos at 13 rebounds.

Durog din ang UST Tiger Cubs laban sa Ateneo Blue Eaglets, 42-63, sa kanilang bakbakan para sa second round ng UAAP juniors basketball sa The Arena, San Juan, noong Agosto 20.

We played really bad. Nanggigil mga bata (Cubs),” ani coach Allan Ascue. “Masama ang laro ng bigmen at point guard, at hindi nag-compensate [ang ibang manlalaro].”

Naibaba ng Cubs sa 10 ang lamang ng Eaglets matapos makalusot si Ilarde sa isang double team at maka-iskor sa lowpost, 27-37, sa ikatlong kanto. Jan Edward B. Ballesteros, Anne Marie Carmela L. Dayauon, Rodolfo Serafin Jerome T. Lozada at Chenny V. Ramos

Post new comment

  • Allowed HTML tags: <a> <em> <strong> <cite> <code> <ul> <ol> <li> <dl> <dt> <dd> <p> <br>

More information about formatting options

User login

Recent comments

Disclaimer

Readers' comments posted in this site do not necessarily reflect the editorial position of the Varsitarian. The Varsitarian does not knowingly publish false information and may not be held liable for the views of readers exercising their right to free expression.