Agosto 14, 5:39 p.m. - MATAPOS magtala ng dalawang sunod na pagkatalo sa pagtatapos ng elimination round, agad bumawi ang UST Growling Tigers sa University of the Philippines Fighting Maroons, 77-70, sa Smart-Araneta Coliseum ngayong hapon.
Pinangunahan ni Karim Abdul ang UST sa pamamagitan ng 21 puntos at 11 rebounds. Malaking tulong din si Jeric Fortuna na nagtala ng 15 puntos at anim na assists para sa Tigers.
“Si Karim ang masasabi kong prized possession namin,” ani coach Pido Jarencio. “Na dominate n’ya yung laro kanina."
Umabot sa 16 na puntos ang pinakamalaking lamang ng UST matapos magpakawal ang Tigers ng 9-0 run sa ikatlong kanto upang palawigin ang iskor, 54-38.
Agad namang pinuri ni Abdul ang kaniyang mga kakampi na tumulong sa kaniyang magandang laro.
“Hindi ko magagawa ang [magandang] laro ko kanina kung hindi dahil sa team,” aniya.
Sandaling nakalapit ang UP ng limang puntos, 66-61, matapos magbaon ng tres si Mike Silungan.
Nabalik naman agad sa sampu ang lamang ng UST, 71-61, matapos maka-iskor sa dalawang magkasunod na tira si Fortuna.
Nagkainitan naman sa unang minuto ng ika-apat na kanto sina Carmelo Afuang ng UST at Miggy Maniego ng UP matapos matapos maging pisikal ang laro sa ilalim. Rodolfo Serafin Jerome T. Lozada
Readers' comments posted in this site do not necessarily reflect the editorial position of the Varsitarian. The Varsitarian does not knowingly publish false information and may not be held liable for the views of readers exercising their right to free expression.
Post new comment