Tigers, taob sa Blue Eagles

Photo by Josa Camille A. BassigAgosto 4, 9:48 p.m. - BUMAGSAK ang Growling Tigers sa kanilang ikatlong sunod na talo matapos silang pataubin ng Ateneo Blue Eagles, 53-66, sa kanilang laban sa Smart-Araneta Coliseum kaninang hapon.

Sandaling naging dikit ang laban sa unang quarter bago naghigpit ng depensa ang Blue Eagles. Dahil dito, nagtala lamang ang UST ng 33.8 percent field goal shooting sa pagtatapos ng laro.

Pinilit ng Tigers na tapyasin ang iskor sa huling yugto sa pangungula ni team captain Jeric Fortuna. Ngunit nakalapit lamang sila ng 11 puntos, 49-60, bago umiskor si Greg Slaughter ng Ateneo sa pamamagitan ng isang slam dunk.

Dahil sa pagkatalo, nalaglag ang Tigers sa ika-limang puwesto sa pamamagitan ng 2-3 na kartada. Nasungkit naman ng Blue Eagles ang kanilang ika-anim na sunod na panalo at nananatiling walang talo sa unang round ng UAAP basketball tournament.

Sa umpisa pa lang, tinamaan na ng kamalasan ang Tigers matapos magkamit si Chris Camus ng kanyang pangatlong personal foul sa unang dalawang yugto pa lamang ng laro.

Nagtamo naman si coach Pido Jarencio ng technical foul sa pangatlong yugto sa gitna ng mainit na scoring run ng Ateneo.

Pinangunahan ni Fortuna ang opensa ng UST sa pamamagitan ng 18 puntos at anim na rebounds. Nagtala naman si Ateneo rookie Kiefer Ravena ng 18 puntos at anim na assists.

“Medyo, nahihirapan pa kami ngayon at dapat hindi namin pakawalan ang mga sunod na laro,” ani Fortuna.

“Sa tingin ko ay kakayanin naming marating ang Final Four o kung papayagan maabot naming ang ikalawang puwesto.” Rodolfo Serafin Jerome T. Lozada

Post new comment

  • Allowed HTML tags: <a> <em> <strong> <cite> <code> <ul> <ol> <li> <dl> <dt> <dd> <p> <br>

More information about formatting options

User login

Recent comments

Disclaimer

Readers' comments posted in this site do not necessarily reflect the editorial position of the Varsitarian. The Varsitarian does not knowingly publish false information and may not be held liable for the views of readers exercising their right to free expression.